Albee di napilit magsalita sa naudlot na programa ni Kris, 6 shows sa TV5 may time frame hanggang next year
Congressman Albee Benitez
Albee di napilit magsalita sa naudlot na programa ni Kris, 6 shows sa TV5 may time frame hanggang next year
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

Halata mong natawa ni former Congressman Albee Benitez kahit may suot na face mask nang tanungin namin kung ano bang back story sa issue na diumano’y tinanggihan ng Brighlight Productions na pag-aari niya si Kris Aquino at mas pinili si Ms. Korina Sanchez.

But as expected, kino-consider ng dating pulitiko na tapos na ang nasabing issue - “Let’s keep it under wraps na kasi mukhang ano na ‘yun, eh, past na ‘yun. Let bygones be bygones.

It just didn’t work out, so, ganu’n lang,” sagot niya sa isang mini presscon the other day.

Sinasabi ngang inilapit kay Cong. Albee ang naudlot na comeback ni Kris na Love Life with Kris na sinasabing nagka-problema sa naunang producer.

Pero diumano ay hindi rin naayos ang negotiations dahil mas pinili nga ng Brighlight Productions ang Rated Korina ni Ms. Korina kesa sa Love Life with Kris.

By the way, mag-uumpisa nang mapanood ang Rated Korina sa October 24, 2 p.m. on TV5. Samantala, tanggap ni Cong. Albee na hindi agad sila kikita sa mga programang pino-produce niya for TV5 pero inaasahan niyang by early next year, nagri-rate na ang anim na programa niya at stable na.

“Well dapat next year nagri-rate na kami ng target namin ah, para makabawi.” May time frame or time period naman daw siyang binibigay sa mga programa kaya kailangan niyang makitang may increase in terms of rating ay umaakyat.

“Pero kung mas mabilis mas maganda sana,” sabi niya pa. Namo-monitor naman niya na pinag-uusapan at may impact ang Sunday Noontime Live, Lunch Out Loud, Oh My Dad, I Got You, Sunday Kada and Rated Korina.

 “Very happy dahil I think, sa social media, we were talked about, maraming mga curious, so ano naman, happy mood lahat,” dagdag ni Cong. Albee. Ang wish niya lang ay mag-translate ang ingay o buzz sa social media para manood uli ang mga tao ng TV na ngayon nga ay hooked sa mga streaming site.

ALBEE BENITEZ KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with