Raffy nangakong susustentuhan ang partner ni Tekla na nabiktima ng pambababoy
Michelle Lhor Bana-ag at Raffy Tulfo
STAR/ File
Raffy nangakong susustentuhan ang partner ni Tekla na nabiktima ng pambababoy
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

Itinuloy pa rin ni Super Tekla ang taping niya sa The Boobay and Tekla Show pagkatapos magreklamo ang live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag sa radio program ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo noong nakaraang Martes ng hapon.

Umiiyak itong nagsumbong kay Raffy kung paano raw siya bi­nababoy ni Tekla ‘pag ayaw nitong makipag-sex sa kanya.

Kinausap ni Raffy ang abogado nilang si Atty. Garreth Tungol, at ipinaliwanag nito kung ano ang mga nilabag sa batas ng komedyante. Ani Atty. Tungol; “Walang property rights ang husbands over the body of their wives. Hindi porke’t kasal sila ay gusto niyang gawin sa katawan ng kanilang asawa ay puwede nilang gawin. Kailangan nilang respetuhin ang gusto ng babae to refuse sexual relationships.”

Umiiyak si Michelle na nagpapasalamat kay Raffy sa tulong na ipapaabot nito. Ia-assist daw siyang kasuhan si Super Tekla at nangako si Raffy na tutustusan niya si Michelle pati ang anak nito at mga pamangkin. Bibigyan pa raw siya ng negosyong puwede nitong simulan. Iyan ay kung talagang pursigido na siyang makipaghiwalay kay Tekla at sampahan ito ng kaso.

Sinikap pa rin ni Tekla na maging kuwela at masaya sa taping ng TBATS. Tinapos niya ang ilang episodes na tinape nila noong Martes, at pagkatapos nito ay sinundo na siya ng manager niya para ayusin ang problemang iyon.

Sa bigat ng mga akusasyon laban kay Tekla, hindi lang namin alam kung ano ang magiging desisyon ng GMA 7 sa komedyante.

Korina, may sakripisyo sa bagong trabaho

Sakripisyo talaga para kay Korina Sanchez-Roxas bilang ina, ang pagsisimula ng bagong programa niya sa TV5 na Rated Korina.

Ikinuwento niya nang naka-tsikahan namin na noong una ay isang buwan daw siyang hindi nakakauwi dahil sa marami siyang ginagawa sa labas.

Siya rin kasi ang line producer nitong programa niya sa Brightlight Productions kaya talagang hands-on siya sa pag-aasikaso na pati raw ang ulam ng mga staff ay inaasikaso pa niya.

“Hindi ako nakakauwi. So, I don’t get to hold them a month at a time,” pakli ni Korina.

“Ngayong meron ng show, I have to figure a new schedule so that I get to go home like a week, then I go out for a week. Parang ganun,  weekly na ako labas-pasok.

 “Kinakapa pa namin ang schedule namin in COVID situation,” dagdag niyang pahayag.

Kapag nakakauwi naman daw siya, hindi rin daw niya agad-agad nahahawakan ang kambal niya. “Sabi naman ng Child Psychology sa akin, ang mga ganitong edad ng mga bata, one and half years old, hindi pa yan masyado. Pero by the time na two and half, three, ayan kailangan na nandun ako palagi.

“So, I’m taking advantage, and hopefully pag mawala na ang COVID, ayun na dun na ako maglalagi. Pero araw-araw yung Facetime. Two to three times a day yan, Ayoko namang kalimutan nila ako,” napapangiti niyang pahayag.

Proud naman si Korina sa kanyang Rated Korina dahil talagang pinili niya ang mga staff niya mula sa iba’t ibang programa sa ABS-CBN 2.

Basta ang kaibahan lang daw nitong Rated Korina ay hindi ito political at nakaka-good vibes lang daw ang ipi-feature nila sa kanilang programa.

Magsisimula na ang Rated Korina sa Sabado, October 24 ng alas-kuwatro ng hapon.

TEKLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with