TV5 at brightlight, aggressive!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

Bongga ang Brightlight Productions ha. ‘Yung team nina Papa Albee Benitez, Atty. Joji Alonso at Pat-P Daza, mukhang unbeatable ha. Feel mo ang energy ng lahat pagpasok pa lang sa office nila, at very aggressive ang approach nila sa paggawa ng projects.

Iyon talagang nagulat ka na nag-taping sila sa Boracay sa panahong ito para ma-feel ng lahat na normal at walang dapat katakutan, at alam mo na mas lalaki ang cost of production dahil nga out of town at sa accommodation pa lang, mapapa-wow ka na sa laki ng production cost.

‘Kaloka rin na talagang all out ang Brightlight at feel mo agad ang suporta mula kay Papa Albee pagdating sa gastos ng bawat show. Ok naman ang commercial load, at maingay naman ang pagtanggap, kaya praying na maging successful third force ang TV5 sa mga show na inihahandog ng Brightlight as alternative sa ibinibigay ng dalawang network, ang GMA 7 at Kapamilya.

Ilalaban ng bagong production ang content, at ipapakita na puwede kang maging captive audience ng isang TV show dahil maganda ito at hindi lang dahil sikat ang mga artistang nandoon.

I-set na natin ang mind natin na ‘yung mismong show ang dapat nating magustuhan, hindi dahil kung sino ang artista rito. Kung nagustuhan natin ang mga Koreanovela, bakit hindi natin magugustuhan ang mga kuwento na naiiba at quality ang pagkakagawa kahit pa nga wala roon ang mga loveteam na iniidolo natin? Experimental ang ideas ng Brightlight, tingnan natin how far they will go.

Pinky, hindi napapagod

Alam mo ba, Salve na feeling pagod na pagod ako last Tuesday dahil sa lagare. Naku buti na lang, a sight to behold si Pinky Tobiano kasama si Papa Juancho na parehong looking so good ngayon. Malaki rin talaga ang benefits nila sa rest nila sa The Farm dahil mukhang very relax silang dalawa. Kahit na pagod na pagod si Pinky sa kanyang Grateful Tuesdays show dahil sa rami ng mga charity work na kanyang ginagawa, parang ito ang energizer niya dahil nga sa likas siyang matulungin at bukas-palad sa lahat ng taong nangangailangan ng tulong.

Imagine ‘yung program niyang feeding the homeless at mga gutom na street children, grabe. Pero kahit pagod na pagod talagang ikinatutuwa niya na makatulong. Mula sa puso ang ginagawa niya kaya hindi niya napi-feel ang pagod.

Thank you, Pinky, and promise, watch ko ang Grateful Tuesdays, 7 p.m. sa YouTube at Facebook, ang show na talagang nagpapakita ng compassion. Congrats.

ALBEE BENITEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with