Kontrobersyal na babaeng empleyado ng gobyerno, noon pa ambisyosa
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

Ambisyosa! Ganu’n kung ilarawan ng marami ang isang kontrobersiyal na babaeng empleyado ngayon ng isang sangay ng pamahalaan.

Nu’n pa man ay talagang mapangarap na siya, gustung-gusto niyang mag-artista, pangarap niyang palagi siyang nakaharap sa mga camera.

Kuwento ng isang source, “Palagi siyang may nakahandang resume. Maraming-maraming kopya ‘yun! Kapag may nasisilip siyang pagkakataon, agad na niyang ipapasa ‘yun sa mga production, kumpanya at kung saan-saan pa!

“Matagal na niyang pangarap na sumikat na artista, pero hindi siya sinusuwerte, hanggang sa pagiging talent o extra lang siya. Maliit lang ang role na nakukuha niya, ni hindi nga siya napapansin!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Ang sumunod niya namang naging pangarap ay ang maging newscaster. Gusto niyang makilalang tagapagbalita sa harap ng mga camera.

“Nabigyan naman siya ng chance, pero panandalian lang, nawaley kaagad siya sa pinasukan niyang network! So, waley na naman siya!

“So, ano na naman ang sumunod niyang pinangarap? Gusto niya namang maging beauty queen! Kaso, hindi na naman niya kakampi ang kapalaran! Lotlot siya!

“Paano naman, mali-mali ang mga sagot niya sa mga tanong, malakas ang loob niyang mag-
umingles, e, mali-mali naman ang kanyang grammar!” litanya pa ng aming source.

Sa wakas, pagkatapos ng kanyang pamamalakaya sa dagat ng kanyang mga ambisyon at natagpuan din ng babaeng personalidad ang kanyang linya, natupad ang pangarap niyang madalas humarap sa mga camera.

Patuloy ng aming source, “Pero maraming naiinis sa kanya, maepal daw kasi ang babaeng empleyado ng isang departamento ng gobyerno, may mga katrabahong umaayaw sa kaepalan niya.

“At lalo pa siyang kinainisan ng mga kababayan natin dahil sa pagsawsaw niya sa isyung wala namang kinalaman sa work niya! Ano tuloy ang nangyari?

“Ayun, bina-bash siya, kung anu-anong kuwento ng buhay niya ang naglalabasan ngayon! Kasi naman, hindi na lang ang trabaho niya ang pag­husayan niya, nakikisawsaw pa siya sa kung anu-anong issue!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Damay pa ang sanggol na anak, komedyanteng si Super Tekla kakasuhan ng kinakasama

Nakasalang ngayon sa kumukulong tubig ang buhay at karera ng komedyanteng si Super Tekla. Napakatindi ng mga akusa-syon laban sa kanya ni Michelle Bana-ag, ang kanyang ka-live-in, nagsumbong ito kay Raffy Tulfo sa programang Wanted Sa Radyo ng TV5.

Nakapangingilabot ang mga kuwento ng babae, may ibinigay pa itong video sa programa, laman ng nasabing video ang matinding pagmumura sa kanya ng komedyante.

Ayon kay Michelle, kahit masama raw ang kanyang pakiramdam at nanghihina ito ay namimilit si Super Tekla na mag-sex sila. Kapag hindi pumayag si Michelle ay hindi sila binibigyan ng pera at wala silang pagkain dahil sa paghihiganti ni Super Tekla.

At ang pinakamatindi, na kahit si Kuya Raffy ay halos mapamura na, kapag ayaw raw pumayag ni Michelle na makipag-sex ay nilalaro na lang ni Super Tekla ang kanyang ari at pinatatama niya ang katas ng kanyang pagma-masturbate sa mukha ng kanilang sanggol at kay Michelle mismo.

At kahit daw nasa tabi lang nila ang mga batang pamangkin ni Michelle ay magtatabing lang ng kumot si Super Tekla at lalaruin na naman ang kanyang ari.

Nakakapanghilakbot ang mga akusasyon laban kay Super Tekla, nang analisahin ni Attorney Garreth Tungol ang mga reklamo ni Michelle ay apat na kasong marital ang maaaring isampa laban sa komedyante—marital rape (reclusion perpetua ang parusa, lifetime na pagkakulong), R.A. 9262, acts of lasciviousness at child abuse.

Masalimuot ang kasong ito, hindi maaaring gawin ng isang taong nasa tamang hulog ang mga isinumbong ni Michelle, kundi nasa ilalim ng droga ang komedyante ay nangangailangan siya ng tulong ng psychiatrist.

Tinawagan ng staff ng Wanted Sa Radyo si Super Tekla pero nagte-taping daw siya ng programa nila ni Boobay sa GMA-7. May mga natatakot sa posisyon ngayon ni Michelle, baka raw uli saktan ito ni Super Tekla, dahil sa kanyang pagsusumbong kay Raffy Tulfo.

Hindi puwede, sabi ng walang inuurungang broadcaster, pababantayan na nito sa mga pulis si Michelle sa kanilang bahay. Kapag nanakit si Super Tekla ay agad siyang huhulihin ng mga otoridad.

Maghihimas ng rehas na bakal ang komed-yante na kung tawagin na ngayon ng mga nagagalit nating kababayan ay Super Tiklo.

AMBISYOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with