Boy Abunda babalik sa cinema one, dadalhin ang the best talk online
Boy Abunda
STAR/ File
Boy Abunda babalik sa cinema one, dadalhin ang the best talk online
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

Usapang showbiz, hosting at iba pa ang hatid ng nag-iisang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda sa bago niyang programa na The Best Talk sa FYE Channel simula ngayong Sabado (Oktubre 24)

Nagbabalik sa Cinema One ang beteranong talk show host matapos ang isang dekadang pagho-host niya ng Inside the Cinema, sa pinakabagong online offering ng cable channel kung saan tampok ang mga ‘unfiltered’ na usapan niya kasama ang mga pinakamaiinit na artista at sikat na personalidad sa ngayon.

Bibigyan din niya ng pagkakataon para mas makilala pa ang ilang Kumu live streamers sa pag-iimbita niya sa mga ito sa kanyang show.

Bukod sa masasayang talakayan, ibibida rin ng The Best Talk ang live masterclass ni Tito Boy tungkol sa mga mahaha­lagang sangkap para maging matagumpay na talk show personality kasama ang mananalong streamer sa Kumu campaign.

Ang live program ay dumagdag sa kamakailan lang ay inilunsad na FYE Channel ng ABS-CBN sa Kumu, na naghahatid ng maraming shows kasama ng Kapamilya streamers na nagpapasaya, nagtuturo, nagbibigay-inspirasyon, at nakikipag-usap sa mga manonood gamit ang live streaming.

Alamin at matuto sa hindi mapantayang karanasan ni Boy Abunda sa The Best Talk, tuwing 9 p.m. ng Sabado sa FYE Channel sa Kumu na magsisimula na ngayong Oktubre 24, at mapapanood nang sabay sa Facebook page at YouTube channel ng Cinema One.

BOY ABUNDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with