Ricky Lee ituturo ang mga sikreto sa pagsusulat, wala sa planong magretiro
Ricky Lee
STAR/ File
Ricky Lee ituturo ang mga sikreto sa pagsusulat, wala sa planong magretiro
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

Matututo ang viewers na gumawa ng sarili nilang pelikula o kwento mula sa award-winning writer na si Ricky Lee sa iWant TFC original docu series na  Trip to Quiapo, hango sa best-selling scriptwriting manual niya simula ngayong Miyerkules (October 21) sa iWant TFC app at website.

Sa limang episodes nito, ibabahagi ni Ricky ang kaalaman niya sa pagsusulat ng kwento at pagbuo ng mga karakter, paano humugot ng inspirasyon, at maging ang mga karanasan at aral niya mula sa buhay at higit sa 40 dekada sa industriya.

Idinirek ang serye ni Treb Monteras, na siya ring nagdirek ng Cine­malaya 2017 Best Film na Respeto.

Representasyon ito ng mga taong gustong magsulat ngunit nahihirapang buuin ang kanilang mga konsepto.

Ayon kay Ricky, pinagdaanan niya rin ito at hindi rin niya alam saan magsisimula noong baguhang writer siya.

“Marami akong pinagdaanan at pagkakamali bago ako natuto. At hanggang sa ngayon, natututo pa rin. At ngayon para sa inyong mga gustong matutong magkwento, susubukin kong ibahagi sa inyo ang mga karanasan at kaalaman ko matapos ang ilang dekadang pagsusulat. Pero ang actual na pagsusulat, baka hindi lahat matutunan dito dahil buhay ang gagawa nun,” pahayag ng mahusay na manunulat na wala pa sa vocabulary ang mag-retire.

Bukod sa mga diskusyon, ilalahad din sa serye ang kwento ng buhay ni Ricky, paano niya minahal ang pagsusulat, at kung bakit siya masigasig sa pagtuturo nito.

Panoorin ang Trip to Quiapo sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com.

RICKY LEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with