Mommy nina Kathniel, laging magkasama!
Mommy nina Kathniel, laging magkasama!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

Mahigit walong taon nang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa loob ng mahabang panahon ay talaga namang lumalim na rin ang relasyon o pakikitungo ng mga magulang sa isa’t isa lalo na ang mga inang sina Min Bernardo at Karla Estrada. “Okay ‘yung relationship ni Tita Karla, ako kay Tita Karla. Si Mama and si DJ super okay,” bungad ni Kathryn.

Madalas na nagkakasama sina Mommy Min at Karla lalo na noong nagsisimula pa lamang ang tambalan ng KathNiel. Mula noon ay tumibay na ang samahan ng kanya-kanyang mga pamilya. “Happy kami na in real life maayos ‘yung pamilya namin pareho. Siguro tumatag na rin sila over the years naming magkasama. Pati mga kapatid niya parang kapatid ko na rin, sina Maggi at Carmella. Si Mama and Tita Karla and kami ni Tita Karla personally. Parang extended family ko na rin sila and I’m happy na gano’ng klase ng relation na mayroon kami. Hindi lang kami, pati ‘yung relationship with our families,” pagbabahagi ng aktres.

Bea, nagbigay ng donasyon para sa kanyang birthday

Noong Sabado ay ipinagdiwang ni Bea Alonzo ang kanyang ika-tatlumpung tatlong taong kaarawan. Sa pitong buwan na ipinatutupad ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic ay maraming mga bagay pa ang natutunan ng aktres. “Definitely this year brought me so many lessons, pains that I really learned from. It left me anxious also and siguro worried about the future, about the uncertainties of tomorrow. But siyem­pre lagi dapat nating hinahanap ‘yung silver lining in everything. May rason for everything. So ngayon, mas pinipili ko na lang bilangin ‘yung mga blessings ko,” paglalahad ni Bea.

Aktibo ang aktres sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating labis na naapektuhan dahil sa pandemya sa pamamagitan ng I Am Hope Organization na kanyang inilunsad noong Marso lamang. Sa halip na magkaroon ng enggrandeng selebrasyon ay minabuti ni Bea na magpaabot ng donasyon para sa isandaang pamilya sa St. Michael the Archangel Parish sa Taguig. “Na-realize ko, bakit hindi ko isi-share di ba? No man is an island. It’s my way of ins­piring people but also it’s my way of ­calling your attention na there is an organization that can be the middle man from you to the people that need help,” paliwanag ng dalaga.

Isang simpleng selebrasyon din ang inihanda ng mga kasamahan ni Bea sa naturang charity organization upang sorpresahin ang aktres. Masa­yang-masaya ang dalaga dahil naramdaman niyang espesyal ang turing sa kanya ng mga kaibigan. “Ang galing nila kasi hindi ko naisip. Wala akong clue in my head, sana nag-ayos ako ng konti. It was really special because I met these people this year lang. I feel like I’ve known them forever,” kuwento ng aktres.

Samantala, isang intimate dinner naman ang personal na inihanda ni Bea sa bahay para sa kanyang glam team na kinabibilangan ng make-up artist, hair stylist at fashion stylist. “They have been there through it all and I just want to be able to make them feel special,” pagtatapos niya.   (Reports from JCC)

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with