Angel at Neil, dating mag-âbroâ
Angel at Neil
Angel at Neil, dating mag-‘bro’
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

Taong 2010 unang nagkakilala sina Angel Locsin at Neil Arce. Si Paolo Paraiso ang nagpakilala sa dalawa at mula noon ay naging magkaibigan na sina Angel at Neil. “First time ko siyang nakita pumunta siya sa bahay ko. Actually ‘yung grupo namin, grupo ng mga brokenhearted. Nagkaroon kami ng grupo no’n ang pangalan Amplaya Anonymous kasi lahat kami bitter. Tapos nakakatuwa kasi sa seven years na ‘yon, bro ang tawagan namin sa isa’t isa,” naka­ngiting kwento ni Angel.

Noon ay ang aktres pa umano ang nagiging tulay upang may makipag-date ang binata sa ibang babae. “Yes, ako ‘yung taga-setup ng mga girls niya or takbuhan niya ‘pag may problema siya, gano’n din ako sa kanya. ‘Pag kailangan ko ng sensible kausap, siya ‘yung takbuhan ko no’n,” dagdag ng aktres.

Mula noon ay naging malapit na sina Angel at Neil sa isa’t isa. Pagkalipas ng pitong taon ay doon na raw nagsimulang mag-date ang magkasintahan, “After ng seven years na bro talaga kami at takbuhan namin ‘yung isa’t isa. Marami kaming experience na tagahabol ng girlfriend, ng boyfriend, tagaayos ng problema, sumbungan. Umabot kami sa point na hindi na namin pwedeng kausapin ang isa’t isa. Kasi ‘yung taong ikukwento namin ay ‘yung isa’t isa. Ang hirap, naranasan n’yo na ba na ‘yung go-to mo sa mga problema sa puso ay ‘yung taong hindi mo makausap kasi siya ‘yon, ” makahulugang pagbabahagi ng dalaga.   

Jerome, umaming kinilig sa kapwa-lalaki

Usung-uso ngayon ang temang BL o boys’ love sa serye man o pelikula. Pagkatapos gampanan ang kontrobersyal na karakter sa A Soldier’s Heart ay muling gumanap na bading si Jerome Ponce sa Ben X Jim. Katambal ng aktor sa naturang online series si Teejay Marquez. Ayon kay Jerome ay talagang kailangang pakatutukan ng mga tagahanga ang bagong proyekto dahil sa magandang kwento nito. “’Yung pinagkaiba sa amin is more of sa friendship na from childhood at hindi natin alam kung ano ‘yung mismong pinagdadaanan nila sa isa’t isa. The fact na ang vibes nila is parang high school crush, na parang kapitbahay mo lang na siya pala ‘yung crush mo all this time, inaabangan ka lang niya. Ito namang isa, walang ka-ide-idea. Ang message ng character ko na si Jim is walang masamang mag-try. Every try is a risk. Every choice is a risk. It’s your choice as long as ‘wag mo lang pagsisihan and as long as you like it,” pagdedetalye ni Jerome.

Para sa aktor ay wala namang masama kung magkagusto o mapamahal ka sa kapwa-lalaki.

Kamakailan ay napabalitang nagkahiwalay na diumano bilang si Jerome at ang kasintahang si Mika Reyes. “Ang love walang pinipili ‘yan. Kasi sino man ‘yan. The scenes I did it na normal lang, and kung ano ‘yung navi-visualize ko sa scene, ‘yon na ‘yon. But the moment na nagpi-preview kami, ‘pag pinapanood namin ‘yung eksena before kami mag-next scene. Kinilig ako I swear. So that’s me,” pagtatapat ng aktor.(Reports from JCC)

 

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with