Vic at Pauleen, mas sasaya kung magkakaroon ng kapatId si Talitha
Talitha
Vic at Pauleen, mas sasaya kung magkakaroon ng kapatId si Talitha
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

Ang pagiging very hands on nila kay Talitha ang malaking factor sa pagkakaroon ng happy married life nina Pauleen at Vic Sotto. Mismo ngang si Vic ang nagsabi na lahat ng first major steps ng paglaki  ni Talitha nakita niya at na-enjoy. Iyon first step, first talk, first word, lahat ng pagbabago nakita niya personally dahil hands on nga sila ni Pauleen sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Kaya nga siguro lumalaking matalino ang bata at very confident dahil dama niya ang pagmamahal ng nanay at tatay niya.

Precious gem talaga si Talitha sa mag-asawa kaya nga happily bonded sila together kahit pa nga may quarantine.

Sana nga ay magkaroon na ng kapatid si Tali para mas lalong sumaya ang Sotto household.

Mas lalo sigurong babata ang feeling ni Vic pag nadagdagan si Talitha ng kapatid.

Hay naku, energizer talaga ang mga bata sa bahay.

Kim, malakas ang appeal kahit payat

Alam mo Salve, iyon presence at aura talagang kailangan ng isang artista.

Kahit hindi curvy o big boobs si Kim Chiu sexy pa rin siya sa dance number niya sa ASAP noong Linggo.

Si Martin Nievera kahit pa chubby, pag kumanta siya, all eyes and ears ka pa rin sa kanya.

Ang importante talaga ay stage presence at hindi mo na mapapansin kung anuman ang physical appearance nila.

Ang lakas ng dating compared kay Maja Salvador sa Sunday Noontime Live na very curvy, iisipin mo na patpatin si Kim, pero ang lakas ng appeal.

Oo nga at medyo chubby si Martin pero iba ang star presence.

Ok din si Jake Ejercito sa kanyang pagiging host pero sana ma-memorize niya mga lines niya para hindi siya tumitingin madalas sa telepromter habang nakasalang sa Sunday Noontime Live. Si Donny Pangilinan parang sanay na sanay kasi naman top of the line ang father na si Anthony sa pagiging host at announcer.

Over all maganda ang competition ng noontime show last Sunday - ASAP at SNL -  at sana patuloy na bantayan ang production value.

Ang All-Out Sunday kampante na sa kanilang formula na palagay nila mas gusto na ng audience nila kaya why rock the boat, kung ok naman ang takbo.

Parang ang mas matindi ang labanan ay ang TV5 at Kapamilya, lalo pa nga at ang stars ng dalawa ay nanggaling lang dati sa iisang kuwadra.

The heat is on, who will get the fire, abangan natin. Bongga!

 

VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with