Madonna, ipo-produce at ididirek na ang sariling biopic
Madonna
Madonna, ipo-produce at ididirek na ang sariling biopic
Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang Queen of Pop na si Madonna ang producer at director ng kanyang sariling biopic na produced ng Universal Pictures.

Sa tulong ng Oscar-winning screenwriter na si Diablo Cody, bubuuin nila ang kuwento ng buhay ni Madonna na isang ambisyosang babae na taga-Bay City, Michigan na naging isang pop culture icon at isa sa best-selling female artist for five decades.

“I want to convey the incredible journey that life has taken me on as an ar­tist, a musician, a dancer – a human being, trying to make her way in this world. The focus of this film will always be music. Music has kept me going and art has kept me alive. There are so many untold and inspiring stories and who better to tell it than me. It’s essential to share the roller coaster ride of my life with my voice and vision,” sey ni Madonna.

Ang mga pinagpipilian nilang aktres na gaganap sa Madonna biopic ay sina Florence Pugh, Julia Garner, Chloe Grace Moretz, Sabrina Carpenter, Lily James, Kiernan Shipka, Samara Weaving, and Taylor Momsen.

Wendell inuna ang trabaho kesa birthday ng anak

Kahit wala si Wendell Ramos sa tabi ng kanyang anak na si Tanya noong mag-celebrate ito ng 14th birthday last October 16, hindi nito nakalimutan na batiin ito sa pamamagitan ng Instagram.

Nasa 21-day lock-in taping si Wendell ng GMA teleserye na Prima Donnas sa Antipolo, Rizal. Alam niyang aabot ang taping sa birthday ni Tanya at bawal silang umalis ng location dahil sa sinusunod na safety and health protocol.

Kaya sa Instagram ay pinost ni Wendell ang ilang photos nila ng anak na magkasama.

Babawi na lang daw si Wendell sa kanyang anak kapag natapos na ang kanilang taping para mai-celebrate nila ang birthday nito kahit belated na.

Anthology ni Erik Matti nanalo na naman

Muling naparangalan ang HBO Asia anthology ni Erik Matti na Food Lore: Island of Dreams sa 2020 Asian Academy Creative Awards (AAA) sa isang livecast ceremony sa Singapore noong October 18.

Napanalunan nito ang Best Single Drama/Telemo­vie/Anthology Episode – Philippines at ang bida rito na si Angeli Bayani bilang Best Actress in a Leading Role – Philippines. Ginampanan ni Angeli ang role na Nieves, isang domestic worker na napilitang iwan ang pamilya sa probinsya para makapaghanapbuhay sa Manila.

“Food Lore: Island of Dreams,” ang naging pilot episode ng HBO Asia anthology.

Last August, nanalo si Direk Erik bilang Best Director of a Scripted TV Programme at Best Asian Drama for Regional/International Market category sa ContentAsia Awards.

Ang iba pang episodes na naparangalan ng AAA ay : He Serves Fish, She Eats Flower for Best Cinematography (Vietnam), Life in a Box for Best Direction (Japan) and Maria’s Secret Recipe for Best Single Drama/Telemovie/Anthology Episode (Indonesia).

MADONNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with