^

PSN Showbiz

Dimples, binigyan ng bahay ang kasambahay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dimples, binigyan ng bahay ang kasambahay!
Dimples
STAR/ File

Balita rin na binigyan ni Dimples Romana ng bahay ang isa niyang katulong.

Ang sarap mabalitaan na may mga tao na nagbibigay importansya sa mga taong nagtratrabaho sa kanila. ‘Yung nagsi-share sila ng blessing nila.

Kaya naman pala napakasuwerte rin ni Dimples sa kanyang career, dahil nga sa mabuti ang puso niya at bukas din ang palad niya sa mga taong katulong niya sa pag-unlad.

‘Yung mga kasama natin sa bahay, mga katulong din natin sa pagdarasal para gumanda ang ating buhay, kaya hindi dapat pinagdadamutan. Dapat bago tayo maging mabait sa iba, unahin natin ‘yung mga tao sa paligid natin, ‘pag naging masagana tayo, dapat kahit barya ay i-share natin sa kanila.

Pay forward, spread the joy and kindness, mas lalago at lalaki pa ang yaman natin, dahil ‘yung kabutihan para ring halaman, tumutubo at lumalaki mula sa ugat ng isang mabuting puso.

Share it, at parang nagtanim ka ng halaman na lumaki at nabuhay.

Good job, Dimples, and thank you for sharing.

Boss Vic, walang tatalo sa pakikisama

Na-touch naman ako kay Boss Vic del Rosario, Salve. Binati ko siya ng happy 75th birthday dahil malapit na ang kaarawan niya, at agad siyang sumagot sa text.

Isang magandang ugali ni Boss Vic na very approachable siya at palabati, kahit pa nga nandoon pa rin ‘yung air of authority. Ang magic ng Viva Films ay nasa magandang PR ng mga Del Rosario, mula sa father hanggang sa mga anak.

Ever since, naging mabait sa taga-showbiz si Boss Vic, kaya naman lahat ay excited na 75 na siya pero feeling strong at looking healthy. At nandoon pa rin ang sharp eye pagdating sa gagawing mga pelikula o TV show.

Happy birthday again, Boss Vic del Rosario.  (Happy birthday Boss Vic. Stay healthy always. - Salve)

Pagbiyahe sa abroad, nakaka-miss ngayong pandemic

‘Pag mahilig kang mag-travel, sure ako na isa sa pinaka-miss mo ngayong pandemic ay ‘yung traveling. Sabagay, for a time halos twice a month nagbibiyahe tayo dahil sa mga invitation ng ating rich Asian friends na alam kung paano tayo na-addict sa Korea noon. Pero kasi nga ‘pag 73 ka na, para namang pagod ka na sa kasasakay sa eroplano, impake at unpacking.

But now na marami ng restrictions plus health protocols, parang lalo pang nakakatamad nang magbiyahe, but for people na talagang hilig ang magbiyahe abroad, tiyak na walang makakapigil para sa kanilang makakating mga paa. Saka para na rin kasing outlet ang pag-travel sa mga anxiety o anumang problema na gusto mong kalimutan.

Very refreshing ang bagong scenery, mga ibang tao na nakikita at ‘yung mga pagkain na kakaiba sa lagi nating natitikman natin.

‘Pag puwede na uling mag-travel, sure ako meron na naman tayong mga invitation to travel, at this time i-savor nating mabuti, dahil hindi natin alam kung magkaroon na naman ng pandemic at hayun ang tagal na naman bago makapag-travel.

As of now, dito muna tayo mag-enjoy sa Pilipinas.

vuukle comment

DIMPLES ROMANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with