Hunk actor na mahilig sa mayamang taga-showbiz, tinantanan na ang panggagamit
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2020 - 12:00am

Sobrang tahimik ang mundo ngayon ng isang hunk actor na palaging napapabalitang ipinag­lihi sa manggang hinog (read: manggagamit, user).

Pagkatapos maugnay ang kanyang pangalan sa mga popular na babaeng personalidad ay mga modelo naman ang kanyang kinarelasyon. Pero sa wala rin ‘yun nauuwi.

Ang una niyang nakarelasyon ay isang pamosong female personality na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Pero naunsiyami ang kanilang relasyon. Nauwi sa hiwalayan ang matatamis nilang pagpapalitan ng pahayag sa kanilang mga interbyu.

Naalala ng isang source, “Nangyari ang paghihiwalay nila nu’ng isama niya ang girl sa bansang pinanggalingan niya. Nakapagtataka nga, kung kailan niya ipinakilala nang personal ang girl sa buong angkan niya, e, saka naman bumaklas ang girl sa kanya!

“Marami kasing na-discover ang girl, wala siyang kaalam-alam na kapag hindi pala sila magkasama, e, nagpaka-talk show host ang girl, iniinterbyu ang mga kamag-anak niya!

“’Yung farm na sinasabi niya sa girl na pag-aari ng family nila, e, hindi totoo, ang owner nu’n, e, kamag-anak lang pala nila! Wala silang farm, as in, wala silang mga properties!” unang kuwento ng aming impormante.

Clannish ang hunk actor, sobrang mahal na mahal niya ang kanilang pamilya, kaya lahat ay gagawin niya para maging maayos ang kanilang pamumuhay. ‘Yun din ang lumutang na kuwento nang magkahiwalay sila ng kanyang ikalawang girlfriend na aktres.

“Di ba, ang pagiging user din niya ang lumabas na dahilan ng break-up nila ng girl? Kasi nga, pati ang pamilya niya, e, nagiging pabigat na sa relasyon nila!

“Nagalit pa ang family niya sa lumabas na kuwento, hindi raw sila umaasa sa girl, may mga trabaho raw sila! Kahit ang guy, todo ang kapapaliwanag, pero mas naniniwala ang mga close sa girl na ganu’n nga ang nangyari.

“Tahimik na ang mundo niya ngayon, choosy na siya, ayaw na niya sa artista, dahil nagugulo raw ang buhay ng family niya! Charotty!” natatawa na lang na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Magsasakang reporter NG PSN, bagong Gerry Geronimo

Kahit walang Cristy Ferminute at Take It Per Minute… Me Gano’n kapag araw ng Linggo ay maaga pa rin kaming gumigising. May isang bagong programa sa One PH na inaabangan namin tuwing alas siyete nang umaga.

Hindi namin pinalalampas ang programang Masaganang Buhay ng kilalang plantitong si Mer Layson, kasamahan din naming manunulat dito sa PSN, dahil napakarami naming natututuhang benepisyo sa kanyang show.

Nakakatuwang pagmasdan ang mga puno ng sili, okra, talong at marami pang ibang gulay na nakatanim lang sa mga itinatapong pet bottles.

Hindi maramot si Ka Mer Layson, itinuturo niya ang lahat ng paraan para makatipid ang ating mga kababayan sa pamamalengke lalo na ngayong panahon ng pandemya na milyong kababayan natin ang nawalan ng trabaho.

Ang itinuturo niyang pagtatanim ng mga gulay at halaman sa mga plastic bottles ay hindi na bago sa amin. Ang manugang naming si Geli ay ganu’n din ang paraan ng pagtatanim sa aming bahay sa nayon.

Malaki nga ang aming bahay pero maliit ang aming garden. Baligtad ng bahay namin sa bukid na mas maliit ang kabahayan pero napakalaki naman ng aming lote.

Kahapon nang umaga ay may bagong itinurong paraan ng paggawa ng fertilizer si Ka Mer, pati ang fementation ng pang-spray na gawa sa carrots ay detalyado rin niyang ginawa para sa kaalaman ng kanyang mga manonood, puro organic ang ginagamit niya kaya walang anumang kemikal.

Siya ang makabagong Ka Gerry Geronimo para sa amin, maliwanag siyang magsalita at marespeto, ramdam mo bilang manonood ang bukal niyang hangaring makatulong sa ating mga kababayan.

Sa panahong ito ng pandemya na pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin ay napakalaking tulong ng Masaganang Buhay ni Ka Mer Layson para sa atin.

Ang mga itinatapon lang na plastic bottles ay kapaki-pakinabang, puwede na nating pag-anihan ng mga gulay, sundan lang natin ang mga paraan kung paano sa pagtuturo ng plantitong si Ka Mer.

At habang tinututukan namin ang mga tanim niyang halamang pang-garden at pangloob ng bahay ay parang gusto naming dukwangin ang telebisyon para dukutin ang pagkakasariwa niyang pananim.

At ang mga tanim niyang thyme, basil, oregano, rosemary at iba pang mga sangkap sa mga lutuin na may malaking benepisyo rin sa mga maysakit ay parang gusto naming malayuang bunutin dahil sa sobrang sariwa.

Maligayang bati kay Ka Mer Layson, maraming-maraming salamat din sa kabutihan ng iyong puso sa pagbabahagi ng inyong kahenyuhan sa pagtatanim dahil sabi mo nga, Diyos ang nagbigay sa iyo na bukas-puso mo namang itinuturo ngayon sa ating mga kababayan.

Mabuhay ka!

PSN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with