Anne, Bianca, Jasmine, hindi nakatiis sa nakitang tropa ng police sa libing ni Baby River
Anne
STAR/ File
Anne, Bianca, Jasmine, hindi nakatiis sa nakitang tropa ng police sa libing ni Baby River
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

“Was it really too much to ask to have compassion for a grieving mo­ther?” ang reaction ni Anne Curtis matapos makita ang santambak na police / military escorts ng political detainee na si Reina Mae Nasino habang nakabantay sa inili­libing na three-month-old daughter sa Manila North Ceme­tery the other day.

Kahit kasi sa funeral ni Baby River ay hindi rin tinanggal ang handcuffs ni Reina Mae na pinayagang lumabas ng jail para bisitahin nga ang namatay na anak.

Actually, hindi lang naman si Anne ang na-bother na nanay sa ginawang pagbabantay ng mga pulis sa nakakulong na ina nang bisitahin ang bangkay ng anak. Marami ring ibang nanay dahil awang-awa sila rito tulad ni Bianca Gonzales na nag-tweet naman ng “Baby River deserved better” na may broken heart emoji.

“I dont understand this”  naman ang tweet ni Jasmine, sister ni Anne.

Namatay si Baby River last week sa isang hospital dahil sa acute respiratory distress syndrome.

Pinag-usapan din ang libing ni Baby River sa social media dahil nga itinakbo diumano ang bangkay nito sa funeral march at biglang humarurot ang sasakyan kung saan isinakay ang kabaong ng sanggol.

Three hours lang ang ibinigay kay Reina Mae para makita ang namatay na anak habang may escort na 43 jail and police officers - iba-iba ang bilang sa reports - na nakasuot ng white PPE at naka-posas pa.

ASAP naghanda sa bakbakan, SNL P5 milyon ang budget every week?!

Naghanda ang ASAP Natin ‘To sa matinding labanan na magaganap ngayong tanghali.

Isang big family musical celebration ang naghihintay sa mga manonood nila dahil sasabak ang biggest and brightest stars nila live sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Pangungunahan ito nina Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos, at Sarah Geronimo at magiging special guests naman sina Judy Ann Santos, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Charo Santos Concio, Susan Roces, Coco Martin, Angelica Panganiban, at Vice Ganda na napapanood sa iba:t iba nilang programa.

May pasabog din umanong musical number ng Asia’s Songbird kasama ang young divas na sina Elha Nympha, Janine Berdin at ang champions mula sa The Voice Kids Season 2.

Darating din daw ang The House Arrest Of Us stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Meron din silang world class performance mula sa Broadway star Lea Salonga at musical collaboration ng international pop band Lukas Graham at ng Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan, Fearless Diva Jona, Kyle Echarri, at The Voice Heartthrob Jeremy Glinoga.

Dance showdown naman ang hatid ng Queen of the Dancefloor Kim Chiu at Dancefloor Sweetheart na si Maymay Entrata kasama pa ang Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz sa kanilang special number.

Aawit din ang Most streamed Filipina artist na si Moira dela Torre kasama sina Soul Siren Nina at Divine Diva Zsazsa Padilla. Mapapakinggan din ang bagong single ng Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa 5th anniversary ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Whew... Talagang pagtalbugan ang magaganap ngayong tanghali.

Kaya abangan natin ang salpukan ng ASAP, SNL  - Sunday Noontime Live - sa TV5 na balitang diumano:y limang milyon ang budget every week at ang AOS naman ng GMA 7.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with