SNL, inaabangan kung anong pasabog!
Piolo
STAR/ File
SNL, inaabangan kung anong pasabog!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

Matindi ang salpukan ng Sunday noontime shows ngayong araw.

Live ang pilot telecast ng Sunday Noontime Live sa TV 5 ngayong tanghali. Talagang inilibre raw ang schedule ng mga star ng TV5 para makapag-rehearse nang husto para sa buwena manong programa ng Brighlight Productions.

Bukod sa mga big star na regular nitong bagong prog­rama, may partisipasyon din ang mga star ng mga bago pang programang magsisimula na rin, ang Oh My Dad, Sunday Kada, I Got You, at Lunch Out Loud. Pati kaya si Korina Sanchez-Roxas ay magpu-promote rin para sa kanyang Rated Korina?

Sa radio program nga namin sa DZRH, nagtanong kami sa mga listeners at viewers namin kung alin ang tutukan nila ngayong araw.Mas lamang itong Sunday Noontime Live, dala na rin siguro ng curiousity kung ano ang mapapanood nila sa programang ito.

Magmumukha kayang ASAP Natin To dahil ang da­ting Chairman Emeritus ng Star Magic at direktor din ng naturang show ang magdidirek nitong SNL? Kaya sisilipin din namin ito, lalo na’t gusto rin naming mapanood ang birit-biritan ni Catriona Gray.

Samantala, pinaghandaan din nang husto ng ASAP Natin ‘To ang kanilang show ngayong araw.

Magaling magpakulo sa social media ang mga taga-ABS CBN kaya maku-curious ka rin kung ano ang gagawin ng kanilang  stars. Special guest nila si Lea Salonga at magpapasiklab sa sayawan ang tinagurian nilang Queen of the Dancefloor na si Kim Chiu.

Ipinost din sa social media account ng ASAP official ang 32 members ng ASAP Family na may kanya-kanya silang titulo.

Nakikita namang walang kumpetisyon dahil napansin namin sa post ni Piolo Pascual, binabati siya ng mga dati niyang kasamahan sa ABS-CBN 2 kagaya nina Luis Manzano, Vhong Navarro at iba pa.

Naiiba naman ang mapapanood sa All-Out Sundays ng GMA 7 dahil pawang Kapuso stars pa rin ang mapapanood. Karamihan sa mga segment ay taped na dahil talagang nag-iingat pa rin talaga ang mga taga-GMA 7.

Isi-celebrate ngayon sa AOS ang kaarawan ng mga Kapuso stars na bahagi nitong show na sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Christian Bautista, Mark Bautista, Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, Kyline Alcantara, Rayver Cruz at Miguel Tanfelix.

Sila ang magbubukas ng AOS na pangungunahan siyempre ni Alden Richards.

Inaasahan na rin naming ibang-iba ang AOS na babangga sa ASAP Natin ‘To at sana hindi rin mukhang ASAP na Sunday Noontime Live.

Sanya, tutuhog sa lock-in

Kasado na ang First Yaya ni Sanya Lopez na nakatakda nang simulan ang taping next month.

Bukod kina Sanya na si Yaya Melody at si Gabby Concepcion, kasama rin sina Pancho Magno, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Gardo Versoza at Maxine Medina.

Nagulat ako na kasali rin pala rito si Gardo na talagang humahataw sa iba’t ibang programa.

Bahagi rin si Gardo sa digi-movie ng KathNiel na The House of Arrest of Us, at ngayon ay kasama rin siya sa First Yaya.

Kung todo lagare si Gardo sa mga sunud-sunod niyang shows, ganundin tiyak ang mangyayari kay Sanya dahil sisimulan na rin pala ang Agimat ng Agila na magla-lock-in naman sa Antipolo.

Pinaghahandaan na rin ito ngayon ni Sen. Bong Revilla.

Mga anak nina Richard at sarah namigay ng kahon-kahong laruan

Puring-puri ng kaibigan naming Chemist na si Pinky Tobiano ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa pagpapalaki sa kanilang mga anak na sina Zion at Kai.

Ilang karton na mga toy ang binigay ng dalawang bagets sa online show nila ni Yeng Constantino.

Sa rami ng mga toys na nairegalo sa kanila, naipon nila ito at ibinigay kina Chemist Pinky para ipamigay sa mga batang mahihirap.

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with