Scarlet, iyak nang iyak sa pag-alis ng yaya
Scarlet at Yaya Athena
STAR/ File
Scarlet, iyak nang iyak sa pag-alis ng yaya
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

Siguro nga, lalo ‘pag working mother ka, ang hirap bigla na lang mawawala ang yaya ng anak mo na kilalang-kilala na nito at matagal n’yo nang kasama sa bahay.

Iyak daw ng iyak si Scarlet nang umuwi na ng probinsiya ang yaya Athena niya na mula sanggol siya ay naging yaya na niya. Sa lahat ng lakad nila, dito at sa abroad, kasama ang yaya, kaya nga sasabihin mo na napaka­suwerte dahil nalibot na ang buong mundo at talagang top of the line hotel at business class ang accommodation.

At tulad ni Kris Aquino, kung saan bansa sila, iyon din ang suweldo, ‘pag nasa US, dollar ang give, ‘pag nasa Europe, euro. Tapos meron pa silang pocket money.

Gusto ko na ngang maging yaya na lang ni Scarlet at Bimby di bah!

Pero siyempre, meron din mga pamilya ang mga yaya nila kaya kailangan din bumalik sa pamilya nila at iwan ang mga alaga. Dun na ang hirap, dahil attached na ang mga bata sa yaya, ang hirap isipin na mawawala sila para alagaan ang anak mo. And the fact na magti-train na naman ng bago para turuan ng mga dapat gawin.

Big help talaga sa mga working mother ang mga nanny o yaya ng mga anak.

Kaya Salve taasan mo na tf ng yaya ni Aries, para huwag umalis, at isama mo sa Paris para sa photo ops sa Eiffel Tower. Hah hah hah.

Boy at Boyet, ini-enjoy ang nature

Ang sweet naman ni Boy Abunda na kahit na mahina ang signal sa lugar niya sa Tagaytay, talagang feeling mayaman kami na ‘pag nawala signal ng Smart, dial agad sa Globe.

Cute talaga ng mga telcom natin, ang lapit lang ng Tagaytay pero ang hina ng signal ha, pareho silang mahina kaya kahit dalawa ang gamit mong phone, hayun, putul-putol ang signal.

Magkalapit ang birthday nila Boy at Christopher de Leon kaya madali kong tandaan pag binabati ko sila ng Happy Birthday.

Pareho rin silang in love ngayon sa kanilang resthouse, sila Christopher sa Batangas at si Boy sa Tagaytay at meron din siyang isa sa Batangas.

Bongga nga na ang mga resthouse nila, malapit lang sa Metro Manila. Maganda ang daan papunta dun kaya madali para sa kanila ang biglaang pumunta at magnilay-nilay sa nature.

Inggit much talaga na ang ganda ng investment nila at nagagamit nila. Happy birthday Boy and Christopher, kahit pandemic, just be happy, enjoy your day.

ATHENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with