Dimples, babalik sa Kapamilya!
Dimples
STAR/ File
Dimples, babalik sa Kapamilya!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2020 - 12:00am

Touching ang vlog ni Dimples Romana nang umuwi na siya galing sa ilang linggong locked-in taping ng bagong sitcom niya sa TV5 na Oh My Dad.

Sabi nga niya bago pumasok ng bahay, “Kung meron man akong mga  natutunan nitong nakaraang linggo na hindi ko sila kasama habang  sa lock-in na ito, is that fa­mily is everything. Wala talagang mas importante sa pamilya.

“Sila rin ang iniisip ko habang nagtatrabaho ako dahil alam naman natin ngayon na nakakapraning talaga ang COVID. Pero ang importante we have a family with us.

“Malinaw sa akin na sila ang motivation ko outside of home. Sila rin ang motivation ko to come home,” na isa sa brand ambassador ng Unilab, Inc. para sa campaign nilang Malasakit Para Sa Isa’t Isa.

Kaya kailangan talagang mag-ingat at magkaroon ng malasakit sa kapwa na ingatan din ang sarili para matiyak lang na safe at hindi magkaroon ng sakit at hindi makahawa sa kapwa.

Iyon lang din ang nagustuhan nila sa taping ng Oh My Dad sabi ni direk Jeffrey Jeturian na mas madali sa kanila ang mag-taping ng ganitong setup dahil naka-focus sa show at hindi nga puwedeng maglagare.

Nag-iingat pa ang lahat, kaya nga laging nagdarasal ang producer nilang si Atty. Joji Alonzo na maging safe lang ang lahat at walang magka-COVID sa set.

Maayos naman daw silang nakapag-taping at all-set na ang mga nauna nilang episodes na magsisimula na sa October 24 ng 5 p.m.

Isa ito sa mga programang prinodyus ng Brightlight Productions na pursigido sa paggawa ng marami pang programa para sa TV5.

Ang narinig lang naming kuwento, pinayagan naman daw ng ABS-CBN 2 si Dimples na gawin ang Oh My Dad, pero isang season lang daw muna ang commitment dahil kung kakailanganin na raw nila ito sa iba nilang projects, pababalikin na siya sa Kapamil­ya network.

Tingnan na lang natin kung totoo nga ba ito. Baka naman  tuluy-tuloy na si Dimples sa Oh My Dad kasama sina Ian Veneracion, Sue Ramirez, Gloria Diaz at marami pang iba.

Sofia hindi ‘papatayin’

Nilinaw ni direk Gina Alajar na hindi raw sila ang nagdesisyon na hindi na isali si Sofia Pablo na si Len-len sa seryeng Prima Donnas.

Kailangan lang daw nilang sundin ang ipinapatupad ng DOLE na dapat ay walang may magtatrabaho 14 years old below.

Marami na raw silang naiisip na baka puwedeng sa bahay lang siya na maaring kausap sa telepono, pero work pa rin daw iyon kaya hindi puwede. “Nagkaroon po kami ng malaking-malaking discussion talaga at malaking problema kung paano namin maso-solve.

“But at the end of the day po, kailangan namin sumunod sa DOLE, kaya po nawala na si Len-len.

“Pero hindi siya nawala totally. Nawala lang siya physically but she’s being talked about. ‘Yung pangalan niya ay laging nababanggit sa show.

“Hindi po namin siya pinatay. She’s just somewhere,” pahayag pa ni direk Gina.

Jeremiah, gustong magpa-sexy

Impressive ang performance sa rating ng season 3 ng The Clash.

Noong nakaraang Sabado ay naka-18.8 percent ito at kinabukasan ay 20.4 percent.

Inaasahang mas tututukan pa ito ngayong weekend dahil may pa-surprise silang babalik ang mga natanggal para sa wild card.

Isa sa natutuwa sa ngayong season ng The Clash ay ang nakaraang champion na si Jeremiah Tiangco. Tamang-tama naman kasi mapu-promote niya roon ang bago niyang single na Titulo na available na for streaming sa Apple Music, Spotify, YouTube Music at  iba pang digital stores. worldwide.

Open si Jeremiah na magpasindak siya sa mga susunod niyang kanta, kahit magpa-sexy pa siya.

Kaya nga raw panay ang workout niya ngayon dahil isa sa gusto sana niya ay mapasama siya sa mga model ng Bench Body. Willing siyang magpa-sexy sa mga pictorials at baka puwede raw siyang bansagang Sexy Soul Singer.

Pero ang isa pa pala sa gusto niyang matupad ay makasali siya sa mga international singing competitions, gaya ng American Idol, America’s Got Talent, X Factor, The Voice at marami pa.

SPOTIFY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with