Concert ni Alden, pilit kinukumpara kay Daniel
Daniel
STAR/ File
Concert ni Alden, pilit kinukumpara kay Daniel
ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2020 - 12:00am

Sa tingin namin, hindi maganda ang ginagawang comparison sa presyo ng online concert na ginawa ni Daniel Padilla sa kaparehong concert na gagawin naman ni Alden Richards bilang celebration ng kanyang 10th anniversary sa showbusiness.

Kasi nagsisimula na naman iyan ng kompetisyon sa halip na magkatulungan sana. At saka kung iisipin, walang point of comparison.

Hindi dapat ikumpara ang presyo ng online ­tickets nila. Mas mahal na ‘di hamak ang online tickets ni Alden, doble ng presyo ni Daniel. Pero online lang iyan. Hindi pa nasusubukan si Alden kung hindi online. Aminin natin na sa panahong ito, si Daniel lamang ang nakapuno ng Araneta Coli­seum, hindi lang minsan kundi dalawang ulit pa. Kung hindi nga siguro pandemic at bawal ang mass gathering, ang concert na iyon ni Daniel, hindi naman gagawing online. Tiyak gagawin sa isang malaking venue.

Mabuti nga hindi na nagkakabungkalan ng dating records, dahil kung natatandaan ninyo, may panahon na nakansela ang concert ni Alden sa isang malaking venue ilang taon na ang nakararaan, dahil sinasabing 74 tickets lang ang nabenta. Sinasabi rin ang concerts niya noon sa Middle East, hindi rin maganda ang naging resulta.

Pero iyon nga, 2020 na ngayon, at siguro naman nabago na ang takbo ng popularidad ni Alden kaya naglakas loob na silang mahalan pa ang tickets sa kanyang concert online. Pero ang tanong gaano kalaki ang total sales? Walang makakaalam kung ilan talaga ang nanood dahil online lang iyan eh. Wala kang ebidensiya. Hindi kagaya noong may live audience na makikita mo mismo kung ilan ang nanonood.

Hindi ba may panahon nga na nagyayabang ang isang “sikat na singer na babae” na successful ang kanyang concert, pero sa totoo lang nilagyan ng kurtinang itim ang itaas na bahagi ng coliseum para huwag mapansin sa TV coverage na walang tao talaga.

Jerome, ‘kinaliwa’ raw si Mika

May nagpasabog naman ng tsismis na diumano, nag-split na dahil mukhang “kinaliwa” ni Jerome Ponce ang kanyang girlfriend, ang volleyball star na si Mika Reyes. Ang alam namin ay apat na taon na ang kanilang relasyon. Nakakapagtaka kung bakit may lumabas na ganyang tsismis.

Hindi naman sinabi kung may nililigawan nga bang iba si Jerome kaya sinabing “kinaliwa” niya si Mika.

Wala namang lumalabas na reaksiyon si Mika sa tsismis. Mukhang ang followers lang nila ang nag-uusap. Pero totoo ang sinasabi nila ha, mas malaki ang fan base ni Mika kaysa kay Jerome. Mas sikat si Mika, kaya kung publicity stunt ang split nilang dalawa, hindi maganda iyon para kay Jerome. Baka maging negative pa ang dating sa kanya.

Pamilyadong male star, tumatanggap ng ayuda

Bongga ang tsismis tungkol sa isang married male star. Ang sabi, kaya niya afford ang life in luxury dahil bongga rin naman pala ang supporter niyang “isa rin palang politician.” Pero duda kami doon sa gusto nilang palabasin na “may relasyon” ang male star at ang politician. Baka naman ibang services ang ibinibigay niya.

Hindi naman ganoon ang tingin namin sa politician, at hindi rin naman ganoon ang tipo ng male star, dahil kung gagawa siya ng ganun, eh ‘di sana noong araw pa ganyan na. Eh kung kailan ba may asawa’t anak na siya at saka siya gagawa ng mi­lag­ro na hindi niya nagawa noong binata pa siya?

Minsan lang kasi may malisya agad ang isipan ng mga tao basta may narinig na “ayuda.”

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with