Sen. Bong, kinarir na ang pagho-host ng game show
Sen. Bong
STAR/ File
Sen. Bong, kinarir na ang pagho-host ng game show
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2020 - 12:00am

Sobra naman yatang nagustuhan ni Sen. Bong Revilla ‘ang pagbibigay niya ng tablets at laptops. Kasi nga, dapat birthday gift niya lang ito para sa followers niya sa Facebook, pero ngayon ay ginawa na niyang tuluy-tuloy at balak niyang hanggang Pasko.

Ang saya-saya niya at kung minsan naiiyak sa tuwing may nagpapadala ng note of thanks sa kanya.

Biro ko nga, ‘yung suweldo niya sa taping ay mukhang dito sa tablets at laptops na mapupunta. Pero sabi nga ni Bong ay ‘yung happiness na nadarama niya ay walang kabayaran dahil nga  ang mga batang guma­gamit ng tablets ang saya-saya.

Naisip ko nga, dahil tuwang-tuwa siya sa pagbunot at pagbasa ng winners, dapat siguro gumawa na siya ng isang game show, hah hah, para lagi siyang bumubunot ng winners. Masaya nga at spread the joy, lalo na ngayong pandemic.

Dingdong, ‘di nasayang ang pagod

Tuwang-tuwa si Dingdong Dantes na nasa Netflix PH na ang kanyang Descendants of the Sun Ph. Malaking pagod at challenge ang nangyari sa paggawa nila nito dahil inabutan ng pandemic pero natapos na rin naman nila kaya marami talaga silang hirap na dinaanan bago nakapag-taping ng kabuuan nito.

Heto nga, dahil sa ginawa nilang paghihirap, napansin ng Netflix ang Descen­dants… at pinili para ilabas.

Babaeng aktibista, ang sakit ng sinapit

My heart grieves para sa detained human rights worker na si Reina Nasino na namatay ang baby.

What kind of cruel misfortune is that? Parang sobrang sakit para sa isang babae.

Hindi ko alam  kung nasaan ang tatay ng bata, na sana ay katuwang niya sa pagdadala ng problema.

Para sa isang ina na mamatayan ng anak nang hindi ito kapiling, parang ang sakit. At ‘yung pahirapan bago ka bigyan ng permit para dalawin ang burol ng anak, parang ad­ding insult to injury.

Para dalhin ang malaking problema na ito sa balikat ng isang babae, tiyak na mahirap.

Pero kung ikaw ay buntis at pati ang isisilang mo ay malalagay sa peligro, gagawa ka ba ng isang bagay na baka maging dahilan para makulong ka? Hindi ba dapat sa umpisa pa lang ay nasa iyo na ang pag-iingat?

I feel bad knowing na puwede sigurong hindi nangyari ang lahat ng injustice na ito kung sa una pa lang ay hindi mo hinayaang mangyari. Pero too late, lagi namang nasa huli ang pagsisisi, at lagi rin naman, justice is given kahit huli na. Wala namang nangyayari sa buhay natin na hindi will ni God, kaya magtiwala lang tayo.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with