3 bagets, ‘nagpataasan’ habang nasa puno!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2020 - 12:00am

Throwback ang kuwentong ito. Matagal nang nangyari pero aktibo pa rin ang mga personalidad na sangkot sa kuwento.

Mga bagets na artista ang bumibida sa istorya, mga ipinagmamala­king young actors ng kanilang network, kasagsagan ito ng kanilang popularidad.

Tatlong young male personalities ang starring sa kuwento, kapag nagkakasama-sama sila ay kung anu-anong kalokohan ang naiisip nila, heto ang kuwento ng isang source na nakasaksi sa kanilang mga drama sa buhay.

Umpisa ng source, “Naku, puro kalokohan sila nu’ng time na sumisikat na sila dahil sa isang show na pambagets. Magkakatropa ang tatlo sa kanila.

“Sila ‘yung tapos na ang taping nila, e, magkakasama pa rin. Talagang sanggang-dikit sila. Hindi sila puwedeng paghiwalayin. One time, sa taping nu’ng pambagets nilang show, e, hindi sila makita ng staff ng programa.

“Inikot na ng buong staff ang paligid ng location, wala talaga sila, kasama pa naman silang tatlo sa kukunang eksena. Alam n’yo ba kung nasaan sila?

“Umakyat pala sila sa isang malaking puno, naghubad sila ng pantalon, may ginagawa silang milagro! Kitang-kita ng staff na naghahanap sa kanila na sabay-sabay nilang nilalaro ang sandata nila, talagang nakapikit pa ang mga loko!

“Dahil mga lalaki naman ang naghahanap sa kanila, e, pinatapos muna sila sa kanilang naisipang kalokohan. Umakyat pa sila sa puno para lang palampasin ang init ng kanilang katawan.

“Nu’ng bumaba na sila, e, tinanong sila ng isang kuya nila kung bakit nila ginawa ‘yun, nakakaloka ang sagot ng tatlo! Nagpapataasan pala sila ng pagpulandit ng katas!

“Ganu’n sila kaloko nu’ng mga bagets pa sila, marami silang trip!” natatawang pag-alala ng aming source.

Hanggang ngayon ay magkakaibigan pa rin sila. Walang iwanan fore­ver kasi ang kanilang sumpaan. Ang isang male personality ay sumikat nang husto sa husay niyang umarte, ang isa naman ay palaging may isyu tungkol sa pakikipag-away kapag nalalasing, ang isa naman ay pamilyado na at maayos ang kanyang buhay.

Ubos!

Boses ni Peter rabbit, hinahanap sa channel 11

Sinisilip namin ang mga serye ng ABS-CBN na ngayon ay ipinala­labas na sa A2Z Channel 11. Pagdating sa pagbabalangkas ng mga serye ay walang kuwestiyon ang mga inihahaing putahe ng ABS-CBN.

Pero may hinahanap kami. Nawala ang brilyo ng ABS-CBN sa paglipat nila sa Channel 11. Malungkot, kulang na kulang sa buhay, dahil nakakapanibago ang kanilang voice-over.

Napakalaki ng karagdagang ibinibigay ng VO. Nasanay kami sa boses ni Peter Rabbit, ang dating tagapamuno ng DZMM na si Mr. Peter Musngi, na hindi na namin naririnig ang boses ngayong nasa Channel 11 na ang mga palabas ng Dos.

Siguro nga ay nagkabiglaan ang lahat. Baka naman sa mga susunod na araw ay mabuhay na ang tekstura ng mga palabas ng Dos sa bago nilang tahanan.

Nakakapanibago kasi, malungkot at walang buhay ang pag-eendorso ng mga palabas, magawan sana ng paraan ang aspetong ‘yun.

TV5 ibang-iba na ang atake

Ibang-iba naman ang atake ngayon ng TV5. Buhay na buhay ang network dahil sa mga programang ilang araw pa mula ngayon ay mapapanood na sa pamamagitan ng Brightlight Productions ni former Congressman Albee Benitez.

Ang Chika, Besh! na isa sa mga unang programang nadagdag sa TV5 ay buhay na buhay, mula sa Ar­changel Productions ng mga Tuviera ang show, pati ang kina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Nasa-TV5 na ngayon ang malala­king artista ng ABS-CBN, ang isa sa mga poste ng network na si Direk Johnny Manahan ang creative consul­tant ng Brightlight Productions, magkaibigan sila ni dating Congressman Albee at pareho pang tubong-Bacolod.

May magic ang mga kamay ni Mr. M, lahat ng programang hawakan ng direktor ay nagtatagumpay, kaya siguradong ang lahat ng mga shows na ipalalabas sa TV5 ay susundan din ng mga dati nilang tagasubaybay.

May brilyo ang mga programa, puro malalaking personalidad pa ang bibida, kaya bonggang-bonggang mga shows ang matututukan ng ating mga kababayan.

At ang pinakaimportante ay nagkaroon ng trabaho ang mga artista ng nagsaradong network, muling nabuhay ang kanilang dugo, dahil may trabaho na uli silang maaasahan.

TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with