Ogie, laging nakaalalay kay Regine
YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2020 - 12:00am

Ang bongga lang, Ateng Salve, dahil marami-rami na ring product endorsements ang nagsu-shoot ngayon sa mga studio.

Noong isang araw, naikuwento ng isang kaibigan ko from a talent agency na nagsu-shoot si Maine Mendoza for a new commercial para sa isang cellphone brand na ine-endorse niya.

Noong lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, naikuwento ni Ogie Alcasid na nag-shoot ng commercial para sa isang detergent powder ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid at sa bahay lang nila ginawa ‘yon.

Si Ogie ang nag-set up ng green chroma, pati ng lahat ng mga kailangan sa shoot. Siya rin ang nag-assist sa production team na nasa ibang lugar at naka-monitor lang via an internet app.

May isang kilalang make-up artist to the celebrities ang napakarami na ngang nagawang commercial ngayong tinatawag na “new normal” dahil sa pandemic.

Kada commercial shoot daw, palaging kailangang mag-swab test.

At least, tuloy pa rin ang product endorsements ng mga celebrity, huh!

Pops, napamahal na sa bunso ni Martin sa iba

Balik-Vicor Music naman ang Concert King na si Martin Nievera.

Masaya ang singer/TV host dahil ang Vicor Records ang naglabas ng una niyang album na Take 1 noong 1982!

Sa virtual presscon ng Vicor Music for Martin bilang pagwe-welcome back sa kanya, naikuwento niyang kung siya ay nagbalik sa dati niyang recording label, ang anak naman niyang si Robin Nievera ay pauwi na ng bansa (as you read this, nakabalik na ng Philippines from Los Angeles, California ang panganay ng singer).

Sabi ni Martin, dito nga raw sila magki-Christmas ng tatlo niyang mga anak. Ang second son niya sa ex-wife na si Pops Fernandez, si Ram Nievera ay nandirito lang sa bansa, samantalang ang bunso niyang si Santino Nievera (anak niya kay Katrina Ojeda) na based sa Las Vegas, Nevada ay sinundo niya two months ago.

Last Christmas, sama-sama rin silang nag-celebrate with Pops and Katrina pa nga sa bahay ng huli sa Las Vegas.

Ang saya lang na magkakasundo silang lahat, Ateng Salve, ‘di ba?

Actually, si Pops nga, mahal na mahal si Santino! I still remember nga noong ikinuwento ng Concert Queen na naiyak siya the first time na nakita ang bunso ni Martin.

Anyway, going back to Martin, ngayong nasa Vicor Music uli siya na sister company ng Viva Films, biniro ko ang Concert King kung gagawa ba siya uli ng pelikula.

Of course, hindi sineryoso ni Martin ang tanong ko dahil hindi naman talaga siya aktor.

Noong araw raw na gumagawa pa siya ng pelikula, nasabi ni Martin na puro balikbayan ang roles na ginagampanan niya dahil baluktot nga siyang magsalita ng Tagalog that time (in fairness, malaki na ang improvement niya ngayon). Ano nga kaya, Ateng Salve, maisipan ni Boss Vic na gawan ng pelikula uli si Martin? Why not! ‘Yun na!

OGIE ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with