^
Heaven nagpasalamat, nilayasang serye ni Julia anim ang bida
Heaven
STAR/ File

Heaven nagpasalamat, nilayasang serye ni Julia anim ang bida

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2020 - 12:00am

Last two taping days na lang ang seryeng Bagong  Umaga na dating Cara Y Cruz starring Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Michelle Vito, Yves Flores, at Heaven Peralejo.

Very smooth daw ang naging taping nila - 12 working hours sila kaya pag-uwi nila ng hotel aral na uli ng mga role nila at pagdating ng take, ready na sila. Lock-in ang taping nila kaya naman wala talagang uwian at labasan.

At in all fairness, parang ang laki ng production dahil ang dami nilang outdoor scenes sa ipinalabas niyang trailer.

Pero ayon kay Direk Carlo Po Astillaga, sa isang lugar lang nila kinunan, sa ABS-CBN, ang mga eksenang ‘yun na meron pang eksena sa wet market.

In all fairness, talagang parang nasa totoong market sila.

Ready to pull out na sila nang mag-back out si Julia Barretto. Nakapag-swab test na sila pero nag-decide nga si Julia na lumipat sa Viva ­ma­nagement.

Mabilis nag-decide ang management kaya hindi na-delay ang taping at naging Bagong Umaga na hindi naman daw nagkaroon ng major revision.

Anim na ang bida ng nasabing serye at hindi na lang basta sina Barbie and Heaven tulad sa naunang napabalita.

Samantala, sinabi ni Heaven na gusto niyang maging Kapamilya forever at hindi raw niya iiwan ang ABS-CBN kahit anong mangyari lalo na nga at nagkaroon siya ng career dahil sa PBB na tinuturing niyang bagong umaga matapos niyang malaman noon na may dalawang cancer ang kanyang ina.

Ayon kay Heaven, sobrang saya niya nang kausapin siya para sa nasabing serye na sabi niya nga ay walang first and second choice for the role at kino-consider niyang blessing in disguise ang nangyari.

Ang Bagong Umaga ang unang teleserye na mag-uumpisang mapanood sa A2Z Channel 11 mula sa umpisa.

HEAVEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with