Sa sobrang lalaki ng bato, female personality kayang magpailaw sa mga suot na alahas
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2020 - 12:00am

Hanggang ngayon ay bina-bash pa rin sa social media ang isang female celebrity. Hindi siya artista, nagkataon lang na kabilang siya sa isang pamil­yang bahagi ng lokal na aliwan, kaya para sa marami ay feeling-artista na siya.

Palagi siyang wala sa tiyempo, ‘yun ang sinisilip sa kanya ng mga netizens lalo na ng kanyang mga bashers, wala siyang pakialam sa kung ano ang magiging damdamin ng publiko sa kanyang mga ginagawa.

Pero malayo du’n ang mga kuwento ng aming source, hindi ang pagpo-post niya ang sentro ng mga istorya, kundi sa maraming pagkakataong nakakaengkuwentro siya ng mga kababayan natin.

Unang kuwento ng aming source, “Isa pala siya sa itinuturing na Simang ng mga nakakakita sa kanya. Palagi kasi siyang nakasimangot, kailangan pa yata ng mga clowns sa paligid niya para lang siya mapangiti.

“’Yung mga nakakakita sa kanya, e, namamangha. Para raw kasi siyang walking jewelry box, pinupuno niya kasi ng mga singsing ang lahat ng mga daliri niya.

“Kulang na lang na pati ang hinlalaki niya, e, suutan din niya ng ring, kaya nangingislap talaga ang lahat ng mga daliri niya kapag nagbibiyahe.

“Kahit daw mag-brownout sa place kung nasaan siya, e, makikita pa rin siya ng mga kasamahan niya, kasi nga, sobra ang pagkikislapan ng mga suot niyang diamonds!

“Hindi tuloy nila maiwasan ang pagkukumpara. Nakasabay rin kasi nila sa biyahe paibang bansa ang isang super-yamang female personality na isang damakmak din ang mga alahas.

“Simple lang daw ang girl, tig-isang daliri lang niya sa kaliwa at kanan ang may singsing, ni wala nga siyang necklace, marunong siyang magsuot ng alahas.

“Pero naman! Isang singsing nga lang sa magkabilang kamay niya ang suot ng sikat at super-yamang female personality, pero grabe naman ang laki ng mga bato!

“Kaya raw ilawan ng mga diamonds niya ang isang palapag ng building, ang isang singsing lang daw ng female personality, e, kasinghalaga na ng lahat ng singsing na suot ng babaeng celebrity na parang ngayon lang kasi nagkaroon ng mga alahas!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Literal nga siyang walking jewelry box, pinupuno niya ng singsing ang lahat ng mga daliri niya, nakakaloka siya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Xyriel, hinusgahan ni karla nang walang laban

Dahil sa kanyang pagkataklesa na hindi naman bagay sa kanya ay pinakakain ng ampalaya at pinaiinom ngayon ng apdo ng mga kababayan natin si Karla Estrada.

May nagpadala ng video ng kanilang show kay Japs Gersin, guest nila ang dating child actress na si Xyriel Manabat, ang picture nito ang inopinyunan ng mga hosts.

Naka-t-shirt si Xyriel Manabat, hindi ito naglalantad ng kanyang katawan sa retrato, sadya lang na pinagpala ang kanyang mga dibdib na namumutok sa lusog.

Ayos naman ang unang sinabi ni Karla na mara­ming vultures sa social media na mapang­husga. Kahit balot na balot daw ang babae sa retrato ay nakapag-aanyaya pa rin ‘yun ng init sa ibang tao.

Pero sa kanyang pag-opinyon ay naging marahas si Karla sa pagsasabing madalas daw niyang paalalahanan ang kanyang mga anak na kung ayaw nilang mabastos sila ay huwag nagpo-post ng anumang ikababastos nila.

‘Yun na! Binuksan ni Karla ang freedom wall ng social media. Sangkatutak na pamba-bash ang inabot niya. Ang iba ay sadya pa siyang itina-tag at pati ang kanyang mga anak ay bina-bash din ng mga nasaktan para kay Xyriel Manabat.

Sabi ng isang pumuna kay Karla, “First, hindi naman nakakaano ‘yung suot ni Xyriel. That’s not the issue, Miss Karla. The issue is how you view the photo.

“You keep on saying na maraming bastos na lalaki, but I feel you also have a dirty mind as well. Low key! Victim blaming!” sabi nito.

Ibinalik din ng ibang netizens ang maraming pagkakataong nababastos ni Karla ang kanilang mga guests sa show. May nagkomento rin na nagpapakalalim si Karla sa pagbibigay ng opinyon pero kitang-kita ang kanyang kababawan.

Sabi naman ng isa, “Karla is always pa-profound. Nagpapakatalino siya sa pagbibigay ng mga comments, pero mali-mali naman ang mga opinion niya!”

At bilang pagsasara sa kuwentong ito ay nagkomento ang kaibigan naming propesor, “Palagi niyang binabanggit ang mga anak niya sa show, palaging kasali ang mga anak niya. Maepal talaga siya, very self-serving.”

Kawawang Xyriel Manabat, hinusgahan nang walang kalaban-laban, nagkakaisang komento pa ng mga nagpapakain ng ampalaya at nagpapainom ngayon ng apdo kay Karla Estrada.

CELEBRITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with