Teejay, totoo ang kilig kay Jerome
Teejay at Jerome
STAR/ File
Teejay, totoo ang kilig kay Jerome
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2020 - 12:00am

Simula ngayong araw ay mapapanood na sa Facebook page at YouTube channel ng Regal Entertainment ang pelikulang Ben X Jim na pinagbibidahan nina Teejay Marquez at Jerome Ponce. Aminado si Teejay na totoong nakaramdam siya ng kilig kay Jerome habang ginagawa ang naturang BL (boys’ love) movie. “Isang linggo kitang type, sabi ko, ‘Baka mamaya mailang ka na sa akin.’ Kasi kahit hindi na nagro-roll ‘yung camera, sa tingin mo baka mamaya parang nilalandi pa rin kita. Or baka maharot pa rin ako sa ‘yo. For me kasi gusto ko talagang maramdaman ‘yung totoong feeling na gustung-gusto ko talaga si Jerome. Hindi na ako pinahirapan ni Jerome kasi sobrang galing niyang magpakilig. ‘Yung mga kilig ko doon totoo. Kinikilig talaga ako kay Jerome kasi magaling talaga siya,” pagbabahagi ni Teejay.

Ngayon lamang nagkatrabaho o nagkatambal sa isang proyekto sina Jerome at Teejay. Ayon kay Teejay ay talagang propesyonal si Jerome pagdating sa trabaho. “Nakasama ko siya sa Zoom meeting, nag-script reading na kami. Nagkita na kami because of the swab test. Unti-unting gumagaan kasi hindi ko naramdaman sa kanya na, ‘Hoy! Mas ahead ako sa ‘yo or mas kilala ako sa ‘yo,’ or something. Walang gano’n akong naramdaman. ‘Pag tinawag mo siya, ready siya, game na game siya. And imbes na mailang ako, mas lalo akong na-inspire as an actor. Binibigay niya lahat ng kailangan kaya mas lalo akong na-excite gawin ‘yung role ko. Good thing na siya ‘yung partner ko. He really knows how to handle a team-up like this. I’m so happy,” pagdedetalye ng aktor.

Maja at Rambo, may oras na ngayon sa relasyon

Mahigit isang taon nang magkasintahan ngayon sina Maja Salvador at Rambo Nuñez. Tatlong buwan lamang naging magkarelasyon ang dalawa noong 2010 at pagkalipas ng halos isang dekada ay nagkabalikan sina Maja at Rambo. Ayon sa binata ay malaki talaga ang pagkakaiba ng kanilang relasyon ngayon ng aktres kumpara noon. “Right now, mas naba-balance na namin. Before it was work, work, work. Ngayon we can already afford in terms of responsibilities nga to even go off work for a week para maka-travel. ‘Yon naman ang nagpapasaya sa relationship, you can do stuff together,” pahayag ni Rambo.

Wala namang naramdamang pagsisisi si Maja kahit na nagkahiwalay sila ng binata noon. Ngayon ay masayang-masaya ang relasyon ng magkasintahan at posibleng lumagay na sa tahimik sa mga susunod na taon. “Kasi siguro hindi enough ‘yung ilang months lang kami noon, naudlot talaga. Tapos iba din ‘yung love ng family niya na ibinibigay sa akin. Ilang beses kaming may random na pagkikita, may certain feeling na ‘yung nararamdaman mo dati, parang meron pa rin,” makahulugang pahayag naman ni Maja.

Kamakailan ay nagpunta sina Maja at Rambo sa Amanpulo, Palawan upang ipagdiwang ang ika-tatlumpu’t dalawang kaarawan ng aktres. Reports from JCC

JEROME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with