^
Iza, napapagod na sa serye
Iza
STAR/ File

Iza, napapagod na sa serye

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2020 - 12:00am

Madalas na trending online ang mga eksenang ginagawa nina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.

Para kay Iza ay nakakapagod ang trabaho hindi lamang dahil sa safety protocols na ipinatutupad dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, kundi sa mismong istorya ng kanilang serye.

“Nakakapagod, hindi lang dahil do’n sa new normal set up. Ang bigat kasi, teleserye siya, ang bigat ng material. Lagi kaming bakbakan. No’ng nakaraan namin parang more than 15 times ako nag-breakdown no’ng araw na ‘yon. Sasabihin ko talaga ‘yung, ‘Sandali lang po.’ Tapos, pagkatapos ng eksena, ‘Diyos ko.’ Gumagano’n na talaga ako,” kuwento ni Iza.

Napapawi ang lahat ng pagod na nararanasan ng aktres dahil sa maganda naman ang kinalalabasan ng lahat ng kanyang ginagawa. Malaki ang pasasalamat ni Iza sa lahat ng mga manonood na patuloy na sumusuporta sa kanilang programa.

“Salamat sa lahat ng mga nanonood. We feel so deeply blessed talaga na people are watching despite our situation now with the network and everything that has happened. ‘Yung fact na nakapagpatuloy lang kami, malaking bagay na. Ngayon na mainit ‘yung pagtanggap, mas ginaganahan kami. Sa mga oras na pagod, ‘yon talaga ang binabalikan namin,” paliwanag niya.

Nagkaroon ng COVID-19 si Iza ilang buwan na ang nakalilipas bago pa nakabalik sa trabaho. Para sa aktres ay talagang maraming pagsubok din ang kanyang nalampasan ngayong taon.

“Napaka-grateful ko, parang ang daming pinagdaanan ng show. Ang dami nating pinag­daanan lahat ng Filipino. Personally medyo mahirap-hirap din ‘yung pinagdaanan ko. Pinag-uusapan naming lahat sa meeting namin sa show within the cast na, parang we have been chosen by God to do this, parang gano’n eh. Gano’n ‘yung pakiramdam,” pagbabahagi ng aktres.

Elisse, excitedkay Gino

May bago ng katambal si Elisse Joson ngayon. Sa susunod na buwan ay mapapanood na sa iflix ang Beauty and The Boss na pinagbibidahan ng dalaga at  tambalang McLisse.

“Sa November ipapalabas na kasama ko si Gino. Kaya exciting kasi first time ko siya maka-work,” bungad ni Elisse.

Ayon sa aktres ay talagang napapanahon ang tema ng kanilang bagong romantic-comedy series dahil makapagbibigay ito ng kasiyahan sa gitna ng krisis na kinakaharap na dulot ng pan­demya.

“Siyempre ngayon sa pande­mic gusto natin makapanood tayo ng makakapagpagaan sa ating buhay. Makapagpapasaya sa atin, magpapakilig, ‘yung gano’ng feel,” giit ng dalaga. (Reports from JCC)

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with