Aktor na dating wagas ang katamaran sa piling ng aktres, sumipag sa bagong dyowa
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2020 - 12:00am

Mabigat ang katawan ng isang kilalang lalaking perso­nalidad. Paluin siya. Para siya kumilos ay kailangang may palaging nagpapaalala sa kanya.

Wala siyang kusang-palo. May katamaran siya. Isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit nagsawa na sa kanyang ugali ang dati niyang karelasyong aktres na may bago nang boyfriend ngayon.

Nu’ng nagsasama pa sila ay ang babae ang masipag magtrabaho, ang male personality naman ay palagi lang naglalaro ng mga video games, umaalis at umuuwi ang female personality na hindi pa naliligo ang aktor.

Ang lahat ng kuwentong ‘yun ay galing mismo sa mga taong malapit sa kanila. Hindi na kuno kinaya ng babae ang kabigatan ng katawan ng kanyang mister.

Kuwento naman ng isang source, “Totoong palaging iritado ang female personality nu’n dahil parang huminto na sa pangangarap ang partner niya.

“Kasi nga, napakasipag niya sa pagtatrabaho, masikap siya para sa family nila, pero ang guy, e, masyadong syumad! Gagalaw lang siya kapag gusto niya.

“Aba, kahit naman siguro sinong babae, e, mananawa sa ganu’ng klase ng partner! Trabaho nang trabaho ang girl, pero ang lalaki naman, e, walang ginagawa!” unang impormasyon ng aming impormante.

Pero may kani-kanyang buhay na sila ngayon. May karelasyon na ang female personality na mula rin sa showbiz at may karelasyon na rin ang male personality.

Mula nang magkahiwalay sila ay mukhang nagising na sa katotohanan ang lalaki, masipag na siyang magtrabaho ngayon, dahil may kailangan na siyang buhaying pamilya.

Patuloy ng aming source, “Dapat lang naman, ‘no! Magaling pa naman siyang umarte, may name na siya, pero sinasayang niya ang mga opportunity na dumarating sa kanya.

“Dati kasi, e, namimili siya ng trabaho, konting ayaw lang niya sa role, e, big deal na, hindi na niya tinatanggap. Pero ngayon, kesehodang mag-black and blue ang mukha niya, e, carry na rin, dahil may obligasyon na siyang dapat harapin.

“Wala na siyang ibang taong maaasahan, kailangan na niyang magsipag, dapat na siyang magbanat ng buto, umiikot ang gulong ng buhay,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Magkapatid na Pia at Sarah, sinusubok ng kapalaran

Mukhang sinusubok ng kapalaran ngayon ang mga personalidad na may nakaputong na korona sa kanilang ulo. Una ay si Catriona Gray na binulabog ng kanyang dating karelasyon na si Clint Bondad.

Ngayon naman ay ang sinundan nitong tinanghal na Miss Universe, si Pia Wurtzbach, na mismong kapatid ang naglantad ng kung anu-anong hindi kagandahang impormasyon tungkol sa kanya.

Walang nakakaalam ng tunay na pinag-ugatan ng pagpo-post ni Sarah, nakababatang kapatid ni Pia, tungkol sa mga himutok nito sa kanyang kapatid pero kung bubusisiing mabuti ang kuwento ay mukhang may kampihang nagaganap.

Problemang pampamilya ang mababasa sa pagitan ng mga posts ni Sarah, galit na galit ito kay Pia at sa kanilang ina, na umabot pa sa pagmumura nito sa dalawa.

May kaugnayan din sa pera ang mga inilantad na kuwento ni Sarah, sa pagiging mapang-unawa nito sa kanyang kapatid, pero sa bandang huli ay ito pa raw ang masama.

Nakalulungkot kapag mismong magkadugo ang hindi nagkakaintindihan, manggaling na lang sana sa ibang bibig ang mga salita, huwag sa mismong kapatid na tulad ni Sarah.

At sa mga ganitong siwasyon ay mahalaga ang presensiya ng magulang, sila ang dapat umaaktong tulay sa pagitan ng kanilang mga anak na hindi nagkakasundo, sana’y maresolbahan nila ang porblemang ito na nakarating na sa publiko.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Wala na talagang ligtas ngayon sa social media, pati ang mga problemang pampamilya lang dapat, e, nalalantad na sa taumbayan.

“Kahit gaano kaganda, kahit may nakaputong pang korona, wala nang ligtas ngayon. Maagapan sana ni Pia ang problemang ito. Silang magkapatid lang naman ang kailangang mag-usap, hindi kasali ang publiko sa problema nila,” sabi ni prop.

Iisang sinapupunan lang naman ang pinagmulan nina Pia at Sarah, isang masinsinang pag-uusap lang ang kailangan nilang upuan, para matuldukan na ang isyung nang-imbita ng pagpi­pista ng buong bayan.

ACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with