Maja Salvador aminadong pinagbebenta regalo ng ex-BFs: 'Para no memories'
Maja Salvador (kaliwa) at ex-boyfriends na sina Gerald Anderson (gitna) at Matteo Guidicelli (kanan)
Mula sa Instagram accounts nina Maja Salvador, Gerald Anderson at Matteo Guidicelli
Maja Salvador aminadong pinagbebenta regalo ng ex-BFs: 'Para no memories'
(Philstar.com) - October 12, 2020 - 5:12pm

MANILA, Philippines — Kapag break na, bitiw na. Tila 'yan ang pahiwatig ni ngayo'y Kapatid actress Maja Salvador patungkol sa kanyang mga dating nakarelasyon, dahilan para bitiwan at pagkakitaan na lang niya ang lahat ng regalong natanggap mula sa mga dating nobyo.

Inilantad niya 'yan sa publiko matapos ang interview sa kanya ni Robi Domingo sa online show na "Star Magic Lounge," dalawang araw na ang nakalilipas.

"Alam mo, lahat ng mga regalo ng ex ko, binebenta ko. Walang natitira sa akin kasi ayoko ng memories," sabi niya nitong Sabado.

"Pero nagiging charity naman. Iyong iba doon, iyon 'yung pang-travel ko."

 

 

Kasama niya sa panayam ang kasalukuyang labidabs na si Rambo Nuñez, na hiniwalayan niya dati pero binalikan noong 2019.

Aniya, natatandaan pa ni Maja kung paano niya ibinenta ang unang regalo ni Nuñez na isang desktop computer.

Ilan sa kilalang naging ex-jowa ni Maja sina Gerald Anderson at Matteo Guidicelli. Matatandaang nagkatrabaho sa isang teleserye ("Ina, Kapatid, Anak") sina Maja at Kim Chiu noong 2013 kahit na ex-bf ni Kim si Gerald.

Kasalukuyan namang kasal si Matteo sa singer-actress na si Sarah Geronimo.

Masayang-masaya naman ngayon sina Maja at Rambo, lalo na't nakakakilig daw ang mga mala-"Maalaala Mo Kayang" (MMK) dedications ng kasalukuyang bufra tuwing reregaluhan.

"In fairness naman dito, iyong may gift na, may mahabang message pa... Nakikita n’yo naman iyong mga caption niya sa mga Instagram posts niya, ‘di ba? Pero in real life, mas mahahaba pa ‘yun. Pa-‘MMK’ na," papuri ng aktres sa non-showbiz boyfie.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Laugh Out Love ?????? #lol

A post shared by Rambo Nun?ez Ortega (@rambonunez) on

 

Basahin: How Gerald Anderson’s exes Kim Chiu, Maja Salvador keep friendship strong

May kinalaman: Maja in good terms with Sarah, ex-BF Matteo

— James Relativo

GERALD ANDERSON MAJA SALVADOR MATTEO GIUDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with