Aktor na may asawa, na-lock in sa aktres na may anak habang nasa taping
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2020 - 12:00am

Nag-iingat ngayon ang mga istasyon ng telebisyon sa pagbabalik-trabaho ng kanilang mga artista. Kung may lockdown dahil sa pandemya ay lock-in naman ang tinatawag sa pagtatrabaho ng produksiyon at ng kanilang mga artista nang wala nang uwian.

Dumaraan muna sila sa mga health protocol, ang mga negatibo lang sa swab test ang puwedeng magtrabaho, sorry na lang sa ibang hindi maganda ang kinalabasan ng pagsusuri.

Kapag lock-in ang mga personalidad ay hindi na sila puwedeng lumabas sa location, kailangang tapusin nila ang mga eksena nang nandu’n lang sila, matinding sakripisyo talaga ang pinagdaraanan nila.

Kung isang buwan silang naka-lock-in ay ganu’n din kahabang panahon nilang hindi nakikita-nakakasama ang kanilang mga mahal sa buhay, pero wala silang magagawa kundi ang tumugon sa kinakailangan.

Sabi ng aming source, “Kung tatanggi sila, palalampasin nila ang opportunity, kailangan nila ng trabaho, kaya kailangan nilang magsakripisyo!

“’Yun na talaga ang normal ngayon, kailangang nasa isang location lang sila, kapag dumating sila, e, wala nang uwian ‘yun,” paliwanag ng aming source.

Dahil sa lock-in ay mas nagiging close ang mga artista, mas nakikilala nila ang isa’t isa, meron ding pagmamahalang ipinanganganak sa lock-in.

Kuwento uli ng aming source, “Totoo ‘yun, sa isang seryeng naka-lock-in ang lahat ng mga artista ngayon, e, may nabuong relasyon. Naging sobrang close kasi ang isang kilalang male personality at ang kasamahan niyang aktres.

“Parehong mahalaga ang mga roles na ginagampanan nila sa serye, kailangang nandu’n talaga sila, hindi makukumpleto ang kuwento kapag nawala ang presensiya nila.

“Nahahalata na ng mga kasamahan nila ang kakaiba nilang pagti­tinginan ngayon, parang sobra na ‘yun sa friendship lang. Kaya lang, e, may problema.

“Pamilyado na ang male persona­lity, ang girl naman, e, may anak na rin sa previous relationship nila ng isang male personality. Huli na nang magkausap ang mga puso nila.

“Guwapo naman kasi ang guy, sexy naman ang girl, sisihin natin ang lock-in dahil nito lang sila nagkasama nang ganyan katagal.

“’Yan ang nagiging resulta ng lock-in, ano kaya ang gagawin ng misis ng male personality kapag nalaman niya ang kuwentong ito?” nag-aalalang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Angel mas lumaki pa ang boobs!

Na-shock ang mga kaibigan naming direktor nang sipatin nilang mabuti ang lumabas na pinakabagong retrato ni Angel Locsin dito sa PSN kahapon.

Buung-buo kasi ang pagkakalatag ng larawan ni Angel, mula ulo hanggang paa, kaya bawat detalye ay kitang-kita.

Tanong ng anak-anakan naming doktor, “Hindi kaya photo-shop lang ito? Parang napakalaki naman niya bigla? Alam kong may spinal problem siya, umiinom daw siya ng steroids, kailangang bantayan niya ang health niya,” punto de vista ng isang doktor.

Malaki ang kinalaman ng ating timbang sa ating kalusugan. Payat at mataba ay kailangang masid­hing inoobserbahan. Malapit sa pagkakasakit ang lumolobong timbang.

Isang kaibigan naman namin ang nagkomento, “Kaya ganyan ang itsura niya, e, malaki rin kasi ang boobs niya. Pantay na nga ang boobs niya at ang bilbil niya. Kailangan niyang mag-exercise, bata pa naman siya, mahahabol pa rin niya ang dati niyang weight.”

Sa hanay ng mga artistang pangkasalukuyan ay nakilala kasi si Angel Locsin na pinakaseksing Darna. Napakaganda ng hugis ng kanyang katawan, halos perpekto nga siyang Darna, kaya maraming nawiwindang sa kanyang laki ngayon.

Pinagpipistahan ang kanyang retrato, nakakatikim na naman ng mga salitang hindi maganda sa pandinig ang aktres, may mga humuhusga sa kanya.

Nabasa namin ang komento ng isa niyang basher, “’Yan ang napala niya sa katatanggol sa network nila! Lider-lideran kasi siya, kaya napabayaan na niya ang sariling katawan niya!”

Malaking usapin ngayon ang paglobo ng katawan ni Angel Locsin, para bang kapag agaran siyang pumayat ay babagsak na ang presyo ng bigas, para bang madidiskubre na ang bakunang makalulutas sa pandemya.

Isa lang ang ibig sabihin nu’n, nasa gitna pa rin ng entablado at aksiyon si Angel Locsin, sikat pa rin siya kaya bahagi siya ng kamalayan at pakikialam ng publiko sa kanyang lumobong katawan.

ARTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with