Janella, may kargang baby habang nagsasayaw
Janella
Janella, may kargang baby habang nagsasayaw
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

Todo ang pagsipat ng followers ni Janella Salvador sa kanyang mga latest IG post.

Talagang as if naman makikita nila sa photo kung totoo ngang preggy ito.

Though may ilang followers na nagko-congratulate at panay ang assume, pero dedma pa rin naman si Janella na nagpa-blonde ng hair.

Yup, blonde ang hair niya eh sabi nga ng ibang followers niya kung totoong preggy siya, bawal magpa-color ng hair at nagka-kape pa siya ng isang obviously ay pino-promote niyang brand.

Kaya naman marami ang na-worry para sa kanya. Pero may sumagot naman na follower niya na isang mommy na hindi naman daw highly toxic at safe sa mga preggy ang dyes. Kahit daw ang pedicure and manicure, walang problema.

Eh paano ang coffee? Ok din daw basta ‘wag masyadong marami as in hindi dapat mag-e-exceed sa 200 mg of caffeine.

Pero ang pinaka-sign daw nito ay ang IG story ng actress na sumasayaw-sayaw habang may kargang baby na sabi niya ay Godchild niya.

So nagpa-practice na raw ba siyang kumarga ng baby?

Ahhh. Basta bahala na si Janella.

Sinasabi ngang preggy siya courtesy of Fil-Brit star na si Markus Patterson at kasalukuyan silang nasa UK.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with