Aga, thankful din sa COVID, mga artista nagkasundo
Aga Muhlach

Aga, thankful din sa COVID, mga artista nagkasundo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

Mapapanood na sa TV5 simula October 25 ang Masked Singer Pilipinas. Si Billy Crawford ang host at magsisilbing hurado naman sina Cristine Reyes, Matteo Guidicelli, Kim Molina at Aga Muhlach sa bagong programa.

Hindi raw inakala ni Aga na muli niyang makakatrabaho ang mga kasama­han sa naturang show. “Sabi ko nga, dito rin pala kami magkikita-kita. Biro lang, I’m happy to be here again. I’m happy to work with Billy, Matteo, Cristine and Kim. We just want to have fun and magpapasaya sa lahat ng mga manonood. I’m excited to work with Billy again, with Matteo and Kim na first time to work with and with Cristine, na gagawa uli kami ng movie. It’s a friendly environment lang,” pagbabahagi ni Aga.

Para sa batikang aktor ay hindi na dapat nagkakaroon ng problema o usapin tungkol sa paglipat ng ilang Kapamilya stars sa Kapatid network. Ayon kay Aga ay nagkakaisa dapat ang lahat upang mas mapabuti pa ang trabaho sa industriya ng telebisyon. “Noon ko pa sinasabi, dapat hindi divided ang mga artista, sama-sama ang lahat. Dapat always welcome ang lahat. Sa lahat ng mga taga-ABS-CBN, galing din ako riyan, nagpunta rin ako ng TV5, ‘wag ninyong maramdaman na iba kayo rito, dapat pare-pareho tayo. Magkakasama tayo sa industriyang ito. Iisa ang ginagalawan natin. Tigilan na natin ang dibisyon ng mga artista. Kung sama-sama tayong nagtatrabaho, mas maganda, mas magiging masaya ang publiko kung hindi magkakahiwalay. Tayong nasa entertainment industry, may Kapuso, may Kapamilya, may Kapatid, it’s about time na tigilan na ‘yan. Maiisip mo minsan salamat din sa COVID sa nangyayaring ito eh. Kasi ngayon magkakasama tayo, nasa TV5 tayo kasi ito ‘yung show. Kapag nagkaroon din ang GMA ng show, magkakasama rin tayo, bakit hindi? Sama-sama lang, dapat gano’n” makahulugang paliwanag ng aktor.

Karla, proud nanay sa pagsasama sa concert nina Daniel at JC

Sa Linggo na gaganapin ang Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience na mapapanood sa pamamagitan ng ktx.ph. Makakasama ni Daniel ang pangalawang kapatid na si Jose Carlito o mas kilala bilang si JC Padilla sa naturang digital concert.

Masayang-masaya naman ang ina nina Daniel at JC na si Karla Estrada dahil magkakasama sa isang proyekto ang dalawa sa kauna-unahang pagkakataon.

“Hindi ko sukat akalain na magkakasama sa isang proyekto ang aking dalawang mga musikerong mga anak! Wala akong paglagyan ng saya mga anak! Ako na ang pinaka-proud na nanay! Thank you for the gift of music na nananalaytay sa linya ng aming dugo,” post ni Karla sa Instagram.

Si Daniel ay anak ng aktres kay Rommel Padilla habang si JC naman ay anak sa bokalista ng bandang Orient Pearl na si Naldy Padilla. (Reports from JCC)

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with