Pauline hindi kasama si Mayor Bryan sa kanyang birthday
Pauline at Mayor Bryan
Pauline hindi kasama si Mayor Bryan sa kanyang birthday
Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit may pandemya, naging masaya ang celebration ng 21st birthday ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza noong nakaraang October 5 dahil nakatanggap ito ng napaka-sweet na mensahe mula sa kanyang boyfriend, ang mayor ng Alaminos City na si Bryan Celeste.

Nag-post sa Instagram ang young public servant ng photo ni Pauline at nilagyan niya ng caption na: “Happy birthday to this girl right here @paulinemendoza_ I’ll always be your greatest fan. Love you!”

Kinilig ang almost 400,000 followers ni Pauline sa IG sa naging mensahe ng mayor-boyfriend ng aktres. Umamin sina Mayor Bryan at Pauline sa kanilang relasyon noong nakaraang April. Seven months na nga silang may relasyon.

Hindi man sila magkasama noong kaarawan niya, naging thankful pa rin si Pauline sa mga blessing na dumating sa kanyang buhay kahit na nagkaroon ng COVID-19 pandemic. “Thanking God for another year of my life. HBD, PB! #21,” simpleng post lang ni Pauline sa IG.

Bago nagkaroon ng lockdown noong March, nakapag-taping na si Pauline sa pagbibidahan niyang teleserye sa GMA 7 na may working title na President’s Secretary kung saan kasama niya sina Carmina Villarroel, John Estrada, Liezl Lopez, Kristoffer Martin, David Licauco and Dave Bornea. Naghihintay na lang daw sila kung kelan ulit makakapag-taping.

Napapanood ngayon si Pauline sa re-airing ng Kambal Karibal.

Kelvin, mas gustong maging kontrabida

Big break para sa Kapuso young actor na si Kelvin Miranda ang pagbibidahan nitong fantasy rom-com teleserye na The Lost Recipe ng GMA Public Affairs kung saan katambal niya si Mikee Quintos.

Nagulat nga siya nang biglang ibalita sa kanila ni Mikee via Zoom ­meeting na sila ang napiling magbida sa The Lost Recipe na tungkol sa dalawang chef na pinagtagpo ng tadhana.

Nasabi pa ni Kelvin na hindi niya inaasahan na pagbibidahin siya agad sa isang teleserye dahil gusto rin daw niyang gumanap na kontrabida sa isang teleserye.

Katharine McPhee, buntis na sa first baby nila ni David Foster

Buntis na ang American Idol Season 5 runner-up na si Katharine McPhee sa unang baby nila ng mister niyang si David Foster.

Kinasal ang 36-year old singer sa 70-year old composer and record producer noong June 2019 sa Church of St. Yeghiche in London.

Pangalawang marriage ito ni McPhee na unang kinasal kay Nick Cokas noong 2008 at nag-divorce sila noong 2016. Apat na beses namang kinasal na si Foster at may limang anak na babae. Huli niyang divorce ay kay Yolanda Hadid, ina ng supermodels na sina Gigi and Bella Hadid.

Nilabas ng People magazine ang baby bump ni McPhee habang magkasama sila ni Foster sa Montecito, California.

Ayon sa report ng E! News,”Katharine has always wanted to be a mom and to have a baby with David. They weren’t necessarily trying for a baby but were open to it happening this year. Since work has slowed down for both of them, they knew this year would be a great time for it to happen. They told their immediate family members about a month ago and everyone was very shocked and excited.”

Sa mga hindi nakakaalam, si Foster ang nag-produce ng unang single ni McPhee na Somewhere Over The Rainbow noong 2006 right after ng American Idol. “Life is full of beautiful coincidences, isn’t it? Thank you for taking me over the rainbow, David,” post ni McPhee sa IG.

                                                                          

PAULINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with