Harapan nina Iza at Jodi, pinagpiyestahan
Iza at Jodi

Harapan nina Iza at Jodi, pinagpiyestahan

(Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinaaliwan at pinag-usapan ng netizens, pati na rin ang ilang sikat na online influencers, ang mga eksena at linyahan ng mga karakter nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria sa trending serye na Ang Sa Iyo Ay Akin.   

Sa eksena nitong Lunes (Oktubre 7) kung saan na-imagine ni Ellice (Iza) na tinapunan niya ng sabaw si Marissa (Jodi) at binitawan ang linyang, “Ang isang tulad mo, mas bagay sa eat-all-you-can, dahil matakaw ka. Lahat gusto mong tikman,” hindi napigilan ng Twitter user na si Smoothie McCreery na magpost ng “Okay, uh, I feel attacked.”   

Umabot na sa 150,000 views at 9,000 likes ang reaksyon ng sikat na Twitter user.  

Mistulang showdown naman ng asawa at kabit ang eksena nina Ellice at Marissa noong Miyerkules (Oktubre 7) nang sabay silang mana­nanghalian sa opisina ni Gabriel.  

Pasaring ni Ellice kay Marissa na malansa ang dala nitong ulam na bagoong pero binara ito ni Marissa na sabi mahilig sa maraming ulam at putahe si Gabriel.  Speechless at mukhang guilty si Gabriel habang nag-uumpugan ang dalawang babae sa buhay niya. 

Nauna ngang nagparinig sa Ellice sa kanyang bestfriend at sinabing, “Ano yun, parang amoy malansa? Nagluto ka ng kare-kare, mukhang mamantika. Sana sinabi mo sa akin Marissa para nakapagdala ako ng dessert.”

Sinagot naman siya ni Marissa, “No, worries, Ellice. Hindi masasayang ang niluto ko. Itong asawa mo, mahilig yan sa maraming ulam.” 

Sa kabilang banda, hindi naman natatapos ang dapat abangan sa serye sa pagpasok ni Madam (Carla Martinez) na siyang tumulong kay Marissa para lumabas ng kulungan.   

Sa episode nitong Huwebes (Oktubre 8) napanood siyang nakikipag-usap kay Ellice bilang bagong investor sa kompanya.   

Sa pagpasok niya sa serye, ano pa kaya ang rebelasyong dapat abangan pa sa kanyang karakter? Ano kaya ang totoong pakay niya sa Cenidoza’s Pearls?   

Huwag kalimutang sundan ang painit nang painit na kwento nina Ellice, Marissa, at Gabriel sa Ang Sa Iyo Ay Akin sa A2Z channel 11 analog TV sa marathon telecast ngayong weekend (Oktubre 10 at 11) at ang bagong episodes gabi-gabi simula Lunes (Oktubre 12).

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with