^

PSN Showbiz

Magdyowang Raymart at Jodi abala sa pagtuturo sa parrot

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Magdyowang Raymart at Jodi abala sa pagtuturo sa parrot
Raymart

May bagong libangan pala ngayon si Raymart Santiago, at siyempre kasama niya sa bagong kinakahiligang iyan ang inaamin na niyang syota si Jodi Sta. Maria.

Tinuturuan nila ang alaga nilang ibon o parrot. Hindi lamang sa pagsasalita, kundi iba pang bagay na maipapagawa sa ibon.

In fact nag-post pa sila ng video sa social media kung saan ipinakikita nila ang training ng isang baby parrot. Nakakatuwa namang sumusunod na ang inakay na ibon sa kanilang mga utos.

Marami namang bird trainers na nakahanda ring magturo sa ibang bird owners na turuan ang alaga nila. Mahalaga kasi sa pagtuturo ng ibon na ang may-ari mismo ang magtuturo sa kanya ng tricks. Hindi sila gaya ng aso na puwedeng paturuan sa iba.

Mga lumang pelikula, palabas na sa Zoe

Matapos ang announcement ng ABS-CBN at ng Zoe TV, nawala na ang mga dating programa ng Zoe at ang lumalabas ay mga pelikula mula sa ABS-CBN. Nakalagay naman sa kanilang screen na iyon ay isang “test broadcast.” Sinusubukan na siguro nila ang tinatawag na “STL” o studio link na gagamitin ng ABS-CBN para ang kanilang signal ay maibato sa transmitter ng Zoe TV at mai-broadcast. Maganda naman ang signal.

Ngayon, masasabi ngang nakabalik na ang ABS-CBN sa free TV sa Metro Manila. Ang kailangan na lang nilang hanapin ay ibang provincial stations na maile-lease rin nila para mailabas din sa probinsiya ang kanilang shows at maging nationwide ulit ang kanilang broadcast.

Ang Zoe kahit na may franchise ay wala namang provincial stations maliban sa isa sa Palawan. Noong ginagamit ‘yan ng GMA, pagdating sa probinsiya ay mga istasyon ng GMA na ang ginagamit. Ini-lease noon ng GMA ang Zoe para magkaroon sila ng second station, dahil ang kanilang franchise na isa ay Channel 27, na nasa UHF band na. Pero binitiwan iyan ng GMA nang sila ay maging full digital na.

Kung makakapag-broadcast na rin nationwide ang ABS-CBN, dahil hindi naman malayong may makuha rin silang provincial stations dahil marami namang istasyong lugi, mapagtatawanan na nila ang mga congressmen na humarang sa kanilang franchise. Kahit na wala silang franchise, napapanood pa rin ang kanilang mga programa, tutal may istasyon naman silang makukuha at makaka-deal.

Maaari rin sigurong mag-blocktime din ang ABS-CBN sa dzJV, na istasyon din ng Zoe sa Calamba, maaari kasing mapalakas pa ang signal noon at makaabot sa Metro Manila kung papayagan ng National Telecommunications Commission, at doon maaari rin nilang ibalik ang dzMM na ngayon ay nasa cable at internet lamang.

Female personality iritable na sa mga namimintas sa kanyang hitsura

Iritang-irita na raw ang isang personality dahil sa bashing ng netizens sa kanya, lalo na at tinatawag siyang “pangit.” Natural naman dahil ang isang kapatid niya puring-puri ng mga tao ang kagandahan tapos siya nga naman tinatawag na “pangit.”

Siguro nga naba-bash siya dahil sa totoo lang, kung ikukumpara naman siya talaga sa kanyang kapatid eh masasabi ngang ang pangit niya, kahit na hindi naman. Kasi nga ang layo ng kagandahan ng kapatid niyang ikinukumpara sa kanya.

Nagmana naman kasi sila sa kanya-kanyang tatay kaya ganoon ang kinalabasan.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

RAYMART SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with