Game na sa âtomboyanâ series Julia, gustong makatambal si Liza!
Julia Barretto
Game na sa ‘tomboyan’ series Julia, gustong makatambal si Liza!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2020 - 12:00am

Ngayong nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency ay nakahanda na raw gumawa si Julia Barretto ng isang GL (girls’ love) series. Wala rin umanong magiging problema sa aktres kung gagawa siya ng isang pelikulang may kaparehong tema. “Of course, siyempre I was very open about wanting to do something like that with Liza (Soberano). Kung hindi si Liza, siguro si Lovi Poe or Jasmine Curtis Smith,” pagtatapat ni Julia.

Marami ang nagulat sa ginawang paglipat ng aktres sa Viva mula sa Star Magic. Naniniwala si Julia na marami pang magagawa ang naturang talent agency sa kanyang karera. “I’m always looking at the brighter side of things. I’m so excited about this new milestone and times are changing and it’s evolving. All of us as a person, we’ve all become more driven, more focused. Mas alam na natin ‘yung gusto natin para sa sarili natin. I do acknowledge the fact that it is much faith in this move,” makahulugang paliwanag ng dalaga.

Sa ngayon ay walang kasintahan si Julia at ang trabaho muna ang pinagtutuunan ng panahon. Nakikita raw ng dalaga na magkakaroon siya ng sariling pamilya pagkalipas ng isang dekada. “Well 10 years from now, I’ll probably have a family already. I’m twenty three (years old), I’m really praying by the time I reach thirty three, I already have a family,” pagtatapos ng aktres.

Bailey, hinangaan ang pagiging service crew ni Ylona

Tatlong taon ng miyembro ng global pop group na Now United si Bailey May. Matatandaang nagsimula sa show business ang singer nang maging housemate ng Pinoy Big Brother noong 2015.

Kasalukuyang nasa England si Bailey at patuloy pa rin ang ginagawang trabaho at pagsasanay sa gitna ng covid-19 pandemic. “We have the same passion po, pagkanta, pagsayaw. So madali lang naman po, we’re like a family. Nasa Dubai po sila, mga 5 sila doon, pero we’re still shooting for our YouTube channels in our home countries. Music videos, mga content lang. Then we sent to the editors sa L.A. ‘Yung training po nagsi-send po sila ng mga videos, and then we learned sa bahay lang from the video,” pagbabahagi ni Bailey.

Nakatambal noon ng singer-actor si Ylona Garcia na nagsimula rin sa PBB. Kasalukuyan namang nasa Australia ang aktres at kamakailan ay nag-post sa Instagram tungkol sa kanyang pagtatrabaho sa isang sikat na fast food. Ayon kay Bailey ay matagal na silang walang komunikasyon ni Ylona. “Parang busy kaming dalawa sa buhay. I’m busy with Now United. She’s busy with her life. So I think we should respect each other. Nando’n pa din ‘yung respect. I think she wants to try something different. I respect everything she does and I also admire her humbleness. She’s a great person,” pahayag ng binata.  Reports from JCC

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with