Alden, malabong palitan sa EB
Maine at Alden
Alden, malabong palitan sa EB
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2020 - 12:00am

Hindi naman kapani-paniwala na papalitan ng Eat Bulaga si Alden Richards. Mahal na mahal ng EB group si Alden at alam nila na kung pupuwede lang gawing araw-araw ang paglabas ni Alden sa Eat Bulaga ay gagawin nito. Ang problema nga lang ay talagang marami ring commitments si Alden sa GMA 7 kaya lahat pinipilit niyang gawin.

Mahirap palitan si Alden dahil bukod sa nakikita mong pagmamahal niya sa trabaho, lahat ng kasamahan niya gusto siya at mahal siya. ‘Yung kung minsan nawawala siya sa Eat Bulaga, understood ng management why, kaya no problem, huwag bigyan ng kulay.

Marunong tumanaw ng utang na loob si Alden at alam niya na malaki ang ibinigay ng Eat Bulaga sa kanyang career, kaya sinusuklian niya ng kabutihan.

Huwag kayong maniwala na mawawala si Alden sa Eat Bulaga.

Kapamilya shows sa free TV, magandang balita

Ang ganda naman ng balitang lumabas dito sa PSN kahapon, kung totoo, na puwede na uli sa free TV ang Kapamilya shows.

Na-excite ang marami dahil sa pahaging nina Vice Ganda at Vhong Na­varro na malapit na silang mapanood uli sa free TV, kaya ang daming speculations na sa Channel 11 ni Brother Eddie Villanueva na sila mapapanood.

Paano na ang GMA News TV? ‘Di ba sa Channel 11 ito? O baka naman tapos na ang kontrata nila.

Noon pa naman kumakalat din na baka sa TV5 mag-blocktime ang Kapamilya shows pero hindi nga natuloy, kaya ngayon dito sa bagong balita, tuloy na.

Sana nga, dahil tuluy-tuloy ang production ng ABS-CBN, walang tigil ang taping nila, meron pang mga bagong show na binuksan, at kung titingnan mo ang commercial load nila, malulula ka pa rin sa rami at parang hindi sila nawalan ng free channel.

So tuloy ang buhay, medyo may nabago lang na ilang bagay pero hindi humihinto ang trabaho nila, kaya masaya pa rin ang marami. Well, goodluck.

Pres. Digong kailangan ng dasal

Kaloka na pati si Donald Trump na US president at asawa na si Melania ay merong COVID-19.

Wala talagang iginalang ang virus, pati leader ng pinaka-malakas na bansa talagang pinasok nito. Katakot talaga siya.

Sana naman maging strong at healthy ang ating Papa Digong na mataas ang risk dahil nga sa edad niya. No matter kung ayaw at gusto mo ang ating leader, sila pa rin ang pinaka-importanteng tao sa ating bansa at dapat lagi nating ipagdasal na nasa mabuti silang kalagayan.

Sana naman huwag na isali ni COVID-19 si Papa Digong sa kamandag niya noh, at sana gumaling na sina President Donald Trump at dyowa niyang si Melania. Pray tayo.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with