Joshua, hindi sanay na may handa tuwing birthday
Joshua
Joshua, hindi sanay na may handa tuwing birthday
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2020 - 12:00am

Sa Miyerkules ay ipagdiriwang ni Joshua Garcia ang kanyang ika-dalawampu’t dalawang kaarawan. Hindi umano nakasanayan ng aktor na magkaroon ng magarbong selebrasyon tuwing kanyang kaarawan. “Nakalakihan ko nang hindi nagse-celebrate ng birthday. Last akong nag-celebrate pa-party ng fans ko. Pero ‘yung ako ‘yung maghahanda na party ko, ‘yon ang hindi ko kaya,” pagtatapat ni Joshua.

Pamilya lamang ang makakasama ng aktor sa kanyang kaarawan at mayroong ilang kahilingan si Joshua ngayon. “Una siyempre maging okay na lahat para makabalik na sa trabaho tayong lahat. Pangalawa is sana maging healthy ‘yung family ko hanggang sa matapos ang lahat ng ito, and ma-achieve ko ang goals ko. Ma­rami akong goals, makatapos ng pag-aaral, makapagtayo ng sariling business. Sa showbiz, ang goal ko is to leave a mark in everything I do. Sa lahat ng ginagawa ko, kahit isang scene lang, mag-leave ng mark,” pagbabahagi ng binata.

Sa mahigit anim na buwan na pananatili lamang sa bahay ay maraming mga bagay ang natuklasan at natutunan si Joshua. “For example ‘yung (paggawa ng) vlog, na-realize ko na dapat matagal ko na siyang ginawa. Kasi ang daming nangyayaring magagandang events sa buhay ko simula no’ng nag-artista ako. Sana na-share ko sa mga tao. No’ng nag-pandemic, na-realize ko ‘yung maliliit na bagay na importante. ‘Yung simpleng pagbabasa lang ng libro na before hindi ko ginagawa. More on myself lang talaga, na-realize kong magpahalaga sa oras ko kasi before ang bilis ng mga nangyayari. Project nang project ang ginagawa ko, hindi ko namamalayan ‘yung nasa paligid ko. Nawawalan ako ng time sa family ko, para sa sarili ko mismo. Hindi na ako nagpe-pay attention masyado sa buhay ko,” makahulugang pahayag ng aktor.

Xyriel, nahihirapan sa online classes

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan ang ginawang pambabastos ng ilang netizens kay Xyriel Manabat. Nagsimula ito nang mag-post ang aktres sa social media ng larawan na talaga namang pumukaw sa atensyon ng online bashers. Ilang taon nang hindi aktibo sa show business si Xyriel dahil abala sa pag-aaral.

Ayon sa dating child star ay mukhang matatagalan pa bago siya bumalik sa pag-arte sa harap ng kamera. “As of now po sobrang focused po ako sa personal life and sa school ko. So mahirap pong gumanap sa isang role na hindi po ako fully committed. Siyempre baka hindi ko po mabigyan ng justice ‘yung role. So do’n po tayo ‘pag nando’n na lahat ng focus ko and lahat ng determination ko nando’n sa show,” paliwanag ni Xyriel.

Labing-anim na taong gulang na ang aktres at nagpaplanong kumuha ng kursong Civil Engineering pagtuntong nito ng kolehiyo. Kahit nahihirapan sa ginagawang online classes ngayon ng mga estudyante ay talagang pinagbubutihan umano ni Xyriel ang pag-aaral upang maabot ang kanyang pangarap. “Kasi po ako nahihirapan, lagi n’yo pong tingnan ‘yung vision na nakikita n’yo ‘yung sarili n’yo for the future. Or lagi n’yo po itatak sa puso’t isip n’yo ‘yung plano na meron kayo and ‘yung dream n’yo para meron po kayong motivation. Lagi n’yo po itatak sa isip n’yo sa bawat ginagawa n’yo kung bakit n’yo ginagawa ‘to and kahit mahirap, kinakaya n’yo po,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA XYRIEL MANABAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with