Marvin, natutong pumatay ng peste!
Marvin
Marvin, natutong pumatay ng peste!
Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2020 - 12:00am

Kabilang pala si Marvin Agustin sa mga nagkaroon ng sari­ling home garden.

Dahil sa pandemic, matagal na nasara ang ilang restaurant business ng aktor. Habang nasa bahay lang ito noong magkaroon ng lockdown, naisipan niyang gawing vegetable garden ang isang bahagi ng kanyang property.

Sa pinost niyang video via Instagram, pinakita ni Marvin na nagbubunga na ang mga tinanim niya sa home garden.

Pero tulad ng ibang garden owners, problema rin niya ang mga peste tulad ng putakti or wasps. Kaya nakahanap ng paraan si Marvin para maprotektahan ang crops niya. Binalutan niya ang mga ito ng plastic. “Para silang mga bubuyog. Iniiwanan nila ‘yung mga anak nila tapos naging parang cocoon sila. Kinakain nila ‘yung bunga.

“Hindi pa ‘yan binibili. Akala n’yo binili kaya naka-plastic. We’re actually protecting them from mga peste. Kasi marami na kaming mga na-discover na peste. ‘Yan pala talaga ang buhay farmer. Kailangan mong alagaan ‘yung mga bunga,” sey niya.

Natuto na rin si Marvin na gumamit ng all-natural pesticides. “Na-research natin online. Wala siyang chemical. Ito ay sili, garlic, tubig. We’re experimen­ting now with our garden here and home farm para pang spray at ma-protect lalo ang ating mga ‘babies’ dito.

“Magtanim na kayo sa bahay. Ang laking tipid. Medyo matrabaho sa simula pero good,” diin niya.

Mga tanim ng aktor ay tomatoes, okra, ampalaya at ilan pang green and leafy veggies.

Bukod kay Marvin, may home garden din sina Cheska Kramer, Mylene Dizon, Cherie Gil at Coco Martin.

Sheena, grabe ang anxiety sa pagbubuntis

Nasa happy stage na raw si Sheena Halili ng kanyang second trimester ng pagbubuntis. Bumalik na raw kasi ang normal appetite niya, ang maayos na pagtulog at nawala na raw ang pagiging sensitive ng pang-amoy niya. Feeling beautiful na raw ulit siya. “Na-experience ko naman ‘yung happy stage. After four months po nag-start na parang ay kaya ko nang kumain ulit ng kanin. Hindi ko ‘to nasabi sa inyo. Ayoko ng amoy ng bagong saing na kanin. This time, nakakakain na ko ng kanin. May energy na ‘ko.

“Mas masarap na ‘yung tulog ko. Nawala na ‘yung selan ng amoy ko. Mas nayayakap ko na ‘yung asawa ko. Mas nakakalabas na ko sa kwarto. Hindi na ko nagkukulong dito dahil ayoko nga ‘yung amoy ng sala namin. Hindi pwede magluto (before) but this time, nakakapagluto na rin po ako. Nakakakain na rin po ako ng may garlic. Nakakapag-fried rice na rin ang asawa ko,” sey ni Sheena sa kanyang vlog.

Inamin din ni Sheena na nakaranas siya ng anxiety sa pagbubuntis niya. Takot daw siyang mag-isa at may ilang gabi raw na bigla na lang siyang nagigising at parang hindi siya makahinga. “Bago ko po ma-experience ‘yan lahat, akala ko talaga happy na. Pero ito naman po ‘yung stage na magkakaroon pala ako ng anxiety, anxiety ngayong buntis, ngayong pregnant ako. Hindi ko nako-control ‘yun. Ilang gabi akong ganoon. Ini-ignore ko lang,” sey ni Sheena.

Dahil sa mental health problem niya, nirekomenda ng kanyang gynecologist na magpatingin siya sa isang psychiatrist.

Baby nina Gigi at Zayn, sikreto pa ang pangalan

Pahulaan pa rin kung ano ang name ng baby ng supermodel na si Gigi Hadid at partner na si Zayn Malik ng One Direction. Sinilang ni Gigi ang baby girl nila ni Zayn noong September 24.

May ilang netizens na nag-suggest ng names tulad ng “Malikinha,” “Maria,” “Zagi” and “Zayan.”

Wala pa ring sine-share na photo ng baby sina Gigi at Zayn, pero pinost na ni Gigi ang mga mamahaling regalo ng kanilang friends and family sa kanilang baby girl.

Una rito ay isang expensive “Mama” necklace na galing sa LA-based jewelry designer Jacquie Aiche.

Isang painting naman para sa baby room ang regalo ni Donatella Versace.

Ang artist na si Austryn ay nagbigay ng one-of-a-kind handmade baby mobile.

Proud dad naman si Zayn sa pag-post niya ng isang message sa Instagram for his baby.

MARVIN AGUSTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with