^

PSN Showbiz

Birthday ni Kuya Germs aalalahanin sa pasada…

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Birthday ni Kuya Germs aalalahanin sa pasadaâ¦
Kuya Germs
STAR/ File

Kilala ang Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno sa maraming larangan. Bukod sa pagiging host ng mga popular na Kapuso variety shows tulad ng Germside, Germspesyal, GMA Supershow, That’s Entertainment and Walang Tulugan with the Master Showman, marami rin siyang mga pelikulang nagawa sa kanyang makulay na buhay.

Ngayong Linggo (Oktubre 4), mapapapanood sa GMA Network ang Telesine Presents: Pasada’ bilang paggunita sa ika-87 na kaarawan ng star builder extraordinaire ng showbiz industry.

Sa nakaaantig na pelikula, ginampanan ni Kuya Germs ang karakter ni Tata Cholo. Isa siya sa mga natanggal na empleyado nang malugi ang kumpanyang pinapasukan niya. Sinubukan niyang mag-apply sa iba’t ibang kumpanya ngunit walang tumatanggap sa kanya dahil sa kanyang edad kaya’t napagdesisyunan niyang gamitin pampasada ang sasakyan ng kanyang manugang. Ngayong isa na siyang driver, iba’t ibang klase ng tao ang nakikilala ni Tata Cholo bawat araw. Pinaki­kinggan niya ang kanilang mga kuwento at binibigyan ng mga makahulugang payo.

Sariwain ang mga alaala ng nag-iisang Kuya Germs at ang kanyang kabutihan at malaking kontribusyon sa ating mga buhay sa Telesine Presents: Pasada ngayong Linggo pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.                                    

KUYA GERMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with