Male TV host, tinakbuhan ang fans na gustong magpa-selfie sa mall
Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa COVID-19 pandemic, naging instant marathon runner ang isang male TV host dahil sa pag-iwas niya sa fans na hindi sumusunod sa social distancing dahil sa kagustuhan nilang maka-selfie siya.

Mapayapang pumunta ng mall ang male TV host para mag-grocery at bumili ng ilan pang essential items sa drugstore.

Pinauna na sa sasakyan ni male TV host ang groceries sa kanyang kasama at siya na raw pipila sa botika dahil baka raw may ipadagdag na ipabibili ang kanyang misis.

Dahil naka-face mask at face shield naman si male TV host, halos walang nakakakilala sa kanya sa supermarket. Pero noong nasa pilahan na siya sa botika, may ilang nakakilala sa kanya at pilit na nakikipag-selfie sa kanya.

Super-deny naman si male TV host para tumigil na ang mga nangungulit sa kanya dahil ayaw niyang magkaroon ng gulo sa pila. Nakiusap pa siya na huwag silang mamilit at sundin nila ang social distancing.

Pero mukhang sabik ang fans na makakita ng celebrity dahil sa tagal ng lockdown, kaya hindi sila mapigilan na lapitan si male TV host.

Pinatawag na ni male TV host ang security para matulungan siyang mapigilan ang fans. Noong lumapit ang dalawang security guard sa pila, sabay takbo ng mabilis si male TV host.

Naging marathon runner bigla si male TV host dahil sa sobrang bilis nitong tumakbo. Pilit naman siyang hinahabol ng mga makukulit na fans na tila dedma sa pagpigil sa kanila ng security.

Paglabas ni male TV host sa mall, naghihintay na ang kasama niya sa sasakyan at mabilis silang nakaalis bago pa nagkagulo.

Dahil sa pangyayaring iyon, ayaw na raw pumunta pa ni male TV host. Inuutos na lang niya o ‘di kaya’y pinapa-deliver na lang niya sa bahay ang mga kailangan ng kanyang pamilya.

Lani, ‘di makapaniwalang kasama sa lista­han ng most influential na Pinoy sa Amerika

Ginawaran ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha bilang isa sa The Outstanding Filipinos in America (TOFA) Awards’s 100 Most Influential list.

Sey pa ng The Clash Season 3 judge na kabilang din sina Manny Pacquiao, Lea Salonga, Monique Lhuillier, at Bruno Mars na paparangalan ng TOFA. “Sa totoo lang, ‘di ko nga alam kung bakit nila ko sinali do’n. Talaga? Sigurado ba kayo? Kasi biro mo, sino ba naman ‘yung mga kasabayan ko ro’n, as in ‘yung mga malalakas and malalaking tao. Mga shaker, mover, mga maimpluwensyang tao talaga, as in ‘yung mga tao sa New York. Parang, ‘di ba, pwede sa iba na lang ako,” biro ni Lani.

Nagpasalamat si Lani sa pagkilala sa kanya ng TOFA. “Pero I really am honest­ly, sincerely very honored and if they think that, you know, pwede naman pala ‘ko isama, then thank you. Maraming, maraming salamat. Just really honored to be included in the top 100 of the Filipino-American influencers.”

Ang TOFA awarding ceremony ay gaganapin sa October 31 via online.

John Legend at misis, namatayan ng baby

Tumanggap ng maraming dasal at mensahe ng pagmamahal ang mag-asawang John Legend at Chrissy Teigen pagkatapos na ma-miscarriage ang kanilang ikatlong baby.

Nakaranas ng matinding bleeding si Chrissy at kahit ginawa na ng lahat sa ospital, hindi nailigtas ang sana’y third baby nila ni John. Binigyan na raw nila ito ng name na Jack.

Heto ang heartbreaking post ni Chrissy via Ins­tagram: “We are shocked and in the kind of deep pain you only hear about, the kind of pain we’ve never felt before. They never able to stop the bleeding and give our baby the fluids he needed, despite bags and bags of blood transfusions. It just wasn’t enough.”

“We, for some reason, had started to call this little guy in my belly Jack.  So he will always be Jack to us. Jack worked so hard to be a part of our little family, and he will be, forever. We will always love you.”

Thankful ang mag-asawa para sa dalawa nilang anak na sina Luna at Miles dahil naranasan nila ang mabuhay sa mundo.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with