Mga naka-PPE bida sa Showtime segment
Edward
STAR/ File
Mga naka-PPE bida sa Showtime segment
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

Makakasama sa hulaan at kantahan at maging sa pagwawagi ng papremyo ang mga manonood sa pinakabagong segment ng It’s Showtime na Hide and Sing na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWant TFC.

Sa Hide and Sing, isang celebrity guest ang susubukang hulaan kung sino ang tunay na celebrity singer sa tatlong misteryosong taong nakabalot ng personal protective equipment (PPE) at pawang magagaling din sa pag-awit. May pagkakataon ding manalo ng cash prize ang online viewers kapag tama ang sagot ng celebrity guest.

Naging trending agad sa Twitter sa buong mundo ang pagsisimula ng segment noong Martes (Setyembre 30) kung saan matagumpay na nahulaan ni Edward Barber na si Jona nga ang tunay na celebrity singer sa tatlong “tagokanta” sa kabila ng panlilito ng mga ito.

Kapag tama ang sagot ng celebrity na tagahula ay pipili siya ng apat na manonood online na mananalo ng tig-P5,000 na magpo-post ng tamang sagot gamit ang official hashtag of the day sa Twitter at Facebook.

ITS SHOWTIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with