Kris, misteryoso ang pananahimik
Kris
STAR/ File
Kris, misteryoso ang pananahimik
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

Para talagang misteryoso ang pananahimik ni Kris Aquino lately. Ang wish ko lang na sana she is in good health.

Nag-thank you siya kay Ronite ng DPersonalShopper sa Gucci mule at Hermes shirt, so ibig sabihin ok naman siya.

Mas mabuti nga siguro, na habang hindi pa humuhupa ‘yung usapan tungkol sa hindi pagkakatuloy ng show niya sa TV5, ay huwag na muna siya maging visible. Tiyak kasi na lahat ay iyon ang gustong malaman, the real story bakit hindi natuloy ang pagbabalik niya.

Ano man ang dahilan, isipin na lang natin na baka it is for the better, huwag na munang i-push.

Salamat na lang at sumasagot si Alvin, ang trusted right hand ni Kris, kaya alam mo na walang dapat ikaalarma about her condition.

Ted, kakaiba ang gagawin sa bagong bahay

Isa sa paborito kong tao si Ted Failon. ‘Yung friendship namin, ‘yung hindi lagi nagkikita o nagtatawagan pero alam mo na may special bond kayong dalawa.

Noon pa man kita mo na ang likas na bait at pagiging trustworthy ni Ted, kaya naman nang may naganap sa buhay niya, buong radio kingdom at mga kasamahan niya ang tumayo at nakiramay sa kanya.

Natuwa ako nang malaman ko na may bago na siyang bahay sa TV5, at grabe lahat ng gagawin niyang programa, naiiba sa dati niyang ginagawa.

Nandun pa rin ‘yung matapang na komentaryo, pero pasok ang hilig niya sa music. Good combination sila ni DJ Chacha kaya exciting na abangan ang mga bago niyang gagawin.

Ted Failon is worthy of your time kaya hindi nakakapanghinayang sundan pakinggan at panoorin ang mga programang gagawin niya.

Japan properties at iba pa, ‘wag naman sanang ibenta

Sana huwag ipagbili ng gobyerno natin ang Japan properties. Kasi ang sarap na ‘pag nasa ibang bansa ka ay itinuturo mo ‘yung mga pag-aari natin, gaya nang ‘pag nasa Fifth Avenue ka sa New York at ‘pag nag-pictorial ka sa Philippine Embassy parang ang yabang-yabang mo, hoy ganda ng embassy namin noh!

Noon naman meron pa tayong property sa San Francisco, tuwing ituturo mo, “sa amin iyan,” “sa Pilipino iyan.”

Sa Japan, ang ganda rin ng spot ng kinaroroonan ng property natin sa may Roppongi at sa Kyoto.

Kaya ‘pag ang tour mo dumaan sa nasabing lugar at may kasama kang Pinoy, laging sasabihin, “atin iyan.” Parang pride na rin na bongga ang mga pag-aari natin sa ibang bansa, parang kahit third world tayo, mukha pa ring yayamanin ‘di bah!

Premium din iyon para sa atin, kaya sana huwag ipagbili. Lilipas din ang mga problema natin, huwag na nating galawin ang mga nandiyan na, sa iba na lang tayo kumuha ng pondo.

Please, Papa Digong, huwag na nating ibenta ‘yung Japan property natin, habulin na lang natin ‘yung nagnenok ng pera ng PhilHealth.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with