Jodi hindi pa tapos ang annulment sa ex hubby, Raymart hindi itinanggi ang relasyon sa aktres
Raymart at Jodi
STAR/ File
Jodi hindi pa tapos ang annulment sa ex hubby, Raymart hindi itinanggi ang relasyon sa aktres
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

Nakakatuwa dahil marami ang masaya sa nabuong relasyon nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.

Walang kumontra, walang nag-nega dahil nakikita namang bagay silang dalawa at nasa seryoso na sila ng estado ng buhay na puwede na talaga silang mag-settle down. Ang nakakalungkot lang, at kung hindi ako nagkamali, naka-pending pa rin ang annulment case nina Jodi at Pampi Lacson, kaya iyon na lang talaga ang hinihintay.

Sana makamit na ito nina Jodi at Pampi na matagal na rin naman talaga nilang inaasam.

Tahimik lang sina Raymart at Jodi pero hindi naman nila itinatanggi ang mga litratong unang lumabas dito sa PSN na magkasama sila sa isang lugar sa Makati.

Hindi naman daw itinanggi ni Raymart na sila na nga ni Jodi. Pero ayaw naman daw niyang pag-usapan pa ito sa showbiz. Sabi raw ng aktor ; “Hindi naman kami KathNiel o LizQuen. Kung ano man ‘yung lumabas, ‘yun na ‘yun! Masaya lang lahat!”

Kaya hinayaan na lang nila at hindi na raw nila inurirat pa ayon sa kuwento ng talent manager na si Noel Ferrer.

Abala naman sila sa kani-kanilang trabaho na kung saan napapanood pa rin sa Kapamilya Channel ang Ang Sa Iyo Ay Akin ni Jodi kasama si Iza Calzado. Si Raymart naman ay nasa Ang Probinsyano na tuluy-tuloy pa rin pala  ng taping. “Tuloy ang laban” sabi nga nila sa ginawa nilang special celebration na kung saan nagpa-thanksgiving mass pa sila noong nakaraang Martes para sa ika-limang anibersaryo ng pinakamahabang teleserye ni Coco Martin.

Rita mabilis naka-adjust sa new normal

Magsisimula na bukas, October 3, ng 7:15 ng gabi sa GMA 7 ang season 3 ng The Clash.

Dati ay mahigit 60 clashers ang pinagpipilian nila hanggang sa umabot ng finals, pero ngayon ay 30 na lang dahil sa marami na ang hindi puwede.

Hindi puwedeng magpapasok ng minor kagaya ni Golden Cañedo noong sumali siya sa season 1.

Sabi nga ng mga host na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, sana kakaiba raw talaga ang mapipiling champion sa bagong season na ito.

Kasama pa rin as Journey hosts sina Ken Chan at Rita Daniela na sobrang nagpapasalamat dahil tuluy-tuloy pa rin ang trabaho nila kahit nasa pandemya.

Ibang experience nga raw sa kanilang dalawa ang katatapos na launching movie nilang My First and Always dahil ibang-iba rin talaga kung ikumpara sa dating normal na pagtatrabaho. “Dun ko talaga naramdaman na ah eto na pala ang new normal, Isipin n’yo po ‘yun, eight days straight. Tapos, since may curfew hindi na siya tulad ng dati na puwedeng mag-work talaga kahit madaling araw, sobrang  strict na sila sa time,” pakli ni Rita.

Nagpapasalamat lang siya dahil wala raw talagang kahirap-hirap at problema sa trabaho nila dahil magaan daw katrabaho si Ken at wala itong kaarte-arte.

Maraming artista, sama-sama sa gabay...

Kahit nasa pandemya, tuloy pa rin pala ang tradisyon ng PLDT at Smart Foundation na Gabay Guro.  Since bawal ang mass gathering, hindi na ito sa SM MOA Arena kundi online na rin.

Sabado ng alas-tres ng hapon magsisimula ang live streaming sa Facebook page at YouTube channel ng Gabay Guro na puwedeng subaybayan ng ating mga mahal na guro.

Dagsa pa rin ang stars na magbibigay kasiyahan at bongga pa rin ang mga pa-raffle tulad ng Foton car, gadgets, prizes mula sa sponsors at cash prizes na aabutin ng halos 2M para maraming mga guro ang mabibiyaan ng kadatungan.

Hosts sina Edu Manzano, Xian Lim at Iza Calzado at opening si Gary Valenciano.

Ilan naman sa makakasamang stars ay sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Martin Nievera, Lani Misalucha, Gabby Concepcion, Derek Ramsay, Piolo Pascual, Ian Veneracion, Bea Alonzo at marami pa.

Sa mga teacher na gustong sumali at maaaring magwagi sa raffle, i-download nyo lamang sa inyong mobile phone o sa ibang gadgets ang Gabay Guro app. Proud ang Gabay-Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla sa kanilang Gabay Guro app dahil Pinoy made daw ito at doon ay marami raw silang iki-click na magagamit nila sa kanilang mga klase lalo na ngayong nasa blended learning na tayo.

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with