Paolo Contis viral, napilitang manuod ng 'Frozen' kaysa NBA finals
Sa litratong ito, kapansin-pansin ang stress ng aktor na si Paolo Contis habang hindi napapanuod ang inaabangang salpukan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat para makapanuod ng "Frozen" si baby Summer, ika-1 ng Oktubre, 2020
Mula sa Facebook page ni Paolo Contis
Paolo Contis viral, napilitang manuod ng 'Frozen' kaysa NBA finals
James Relativo (Philstar.com) - October 1, 2020 - 1:38pm

MANILA, Philippines — Viral sa social media ang komedyanteng si Paolo Contis, Huwebes nang umaga, matapos hindi mapanuod ang inaabangang finals ng NBA — ang dahilan, si baby na nanunuod ng cartoons.

Ngayong araw kasi tinutukan ng basketball fans ang paghaharap ng Los Angeles Lakers at Miami Heat para sa 2020 NBA finals, bagay na naipanalo ng naunang koponan sa puntos na 116-98.

"Game 1 ng NBA Finals! Pero FROZEN pinapanood koooooo!!!" sabi ng celebrity dad sa isang social media post habang tila stress na stress katabi ni baby Summer.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Game 1 ng NBA Finals..!! ???????? pero FROZEN ang pinapanood koooo!!! ????????????

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Sa dami ng tatay at fans na naka-relate, mahigit-kumulang 121,000 na ang nag-share ng post sa Facebook kahit halos dalawang oras pa lang naipapaskil online.

Hindi tuloy napigilan ng netizens na i-comment ang mga kaparehong experience hinggil sa mga chikiting na natatapat ang panunuod sa paboritong programa gaya ng NBA.

"same here. wala ako magawa kundi manonood din ng nursery rhymes," sabi ni Isiash Amiel Sagum II sa comments section ng paskil.

"Sana all nakakapanuod ngayon ng NBA Finals baka abang nalang ng replay mamaya. Cocomelon muna ngayon, COCOMELON LANG MALAKAS!" pagbabahagi naman ni MON SOUR.

Napagkatuwaan naman ng kanyang partner at Kapuso actress na si LJ Reyes ang kinasapitan ni Paolo lalo na't wala siyang magawa para mapilan ang anak.

"May bully na sayo and you can’t even do anything about it!!! I’m so happyyyy! And by the way that’s her ana dress daw," sabi ni LJ.

Kilalang on-hands dad si Paolo mula sa kanyang social media posts, gaya na lang ng video niya ng pagpapatahan kay baby Summer Ayanna — na kanyang binibigyan daw ng acting workshop: "[N]ag workshop kami ulit at tinuro ko sa kanya na sa acting, minsan dapat quiet lang iyak! Para mas ramdam! Tingnan niyo to! Ready na siya!"

Una nang sinabi ng aktor na tila naging "blessing in disguise" ang mga ipinatupad na lockdown kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19), lalo na't nababantayan daw nila ng mag-partner nang husto ang mga bata.

"We are lucky that we’re here together sa mga milestones ni Summer. At nababantayan namin talaga nang mabuti si Summer at Aki," wika niya sa isang Zoom conference nitong Hunyo.

"Although I can’t help but worry, medyo nasasanay na rin ako sa nangyayari. I’m almost at the point of accepting that this is the reality… na ito na yung buhay."

Ilan sa mga paborito nilang pagkaabalahan ngayon ng pamilya ang mag-binge watch sa streaming platform na Netflix at sama-samang pag-iikot sa kanilang village.

Enero 2019 nang unang ianunsyo nina Paolo at LJ ang kapanganakan ng kanilang anak na si Summer. Si Summer ang ikalawang anak ni LJ ngunit una kay Paolo.

May kaugnayan: LJ Reyes, Paolo Contis announce birth of baby girl

"We’ve waited for you... and now I can’t believe you’re already in our arms! Worth every single pain! I love you sooooooo much Summer!!!! Mommy is so crazy about you!!" sambit noon ni LJ sa Instagram.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

FROZEN LJ REYES NBA FINALS PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with