Korina, tinanggihang makasama si Ted sa TV5?!
Korina
Korina, tinanggihang makasama si Ted sa TV5?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2020 - 12:00am

Bongga si Mama Korina Sanchez. Haharap din siya sa press para ibalita ang bago niyang Rated Korina na mapapanood sa TV5.

Kaya double excitement dahil nga bago ang kanyang bahay after decades of being a Kapamilya.

Ngayong Kapatid na si Korina, titingnan kung ano ang kaibahan ng Rated K sa Rated Korina at ano pa ang mga bagong issue na puwedeng i-explore ng isang Korina Sanchez.

Saka iki-clear din niya ang mga ibang naglabasan na mga haka-haka na nagsasabi na siya ang pinili at hindi si Kris Aquino, o puwede rin niyang sagutin kung totoo bang sana ay magkasama sila ni Ted Failon sa isang programa ng TV5 pero tumanggi siya.

Lahat, no hold barred, kilala namang very straight sumagot si Korina kaya tiyak na exciting ‘yung repartee nila ng showbiz press.

Bongga, aabangan iyan. Show of force, back to back sila ni Papa Albee Benitez and Korina Sanchez, ano pa ang hahanapin mo? Hah hah.

Hayan na, BrightLight  talaga, ‘di ba Pat-P? Ang bagong reyna ng Bacolod, hah hah hah.

TIPMMG, mahal na mahal ng followers

Noong Tuesday na yata ang pinaka-happy episode ng Take It… Per Minute Me Ganun natin.

Alam mo kung bakit? Sobrang bumaha ng pagkain ha. At totoo nga na nagpadala ng Japanese food si Ricky Lo, ang number one columnist ng Philippine STAR Entertainment page.

Imagine mo na pati ang mga kasamahan nating showbiz writers ay very supportive sa ating show, tulad ni Mario Bautista na dumalaw pa sa atin.

Nakakataba ng puso dahil pati ang mga kasamahan natin hayun, nagpapadala ng pagkain, pati si Ian Fariñas na ‘yung hobby na pagluluto ay ginawa na palang business at baka one day, ‘donya Ian’ na siya.

Sobra talaga ang happiness kong makita ang mga pagkaing ipinadala sa atin, na talagang feel mo na parang mahal na mahal ka ng followers ng TIPMMG.

Talagang big thanks mga Kapatid, Kapamilya at Kapuso Ricky at Ian, hugs and kisses.

KORINA SANCHEZ TIPMMG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with