Aktres, tumatak ang pagiging laklakera
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2020 - 12:00am

Mahilig talagang magnomo-nomo ang magkapatid na personalidad na kung kagandahan ang pag-uusapan ay bulag na lang ang magsasabing hindi sila pinagpala.

Nakasanayan na nila ‘yun bilang matagal na nanirahan sa isang bansang may kalamigan. Pampainit lang ng katawan, kumbaga, pero kung minsan ay sumosobra sila sa kailangan lang.

Kuwento ng isang source, “Naalala n’yo pa ba nu’ng sumobra ang kalasingan ng mas nakatatandang girl? Nagwala talaga siya, inaway niya ang mga pumipigil sa kanya, buong-ningning pa niyang isinigaw na kayang-kaya niyang bilhin ang buong bar at lahat ng mga taong nandu’n!

“Hiyang-hiya ang girl kinabukasan, sising-sisi siya sa nangyari, pero naganap na ang lahat at hinusgahan na siya. Pero naging malaking leksiyon sa kanya ang nangyari.

“Mula nu’n, e, hindi na siya nagpakalasing nang todo, medya-medya na lang ang pakikipagnomo-nomo niya, iniwasan na niyang mangyari uli ang sobrang pagwawala niya!

“Natuto na siya, umiwas na siya sa magdama-gang inuman, nasunog kasi siya nu’n dahil sa sobra niyang kalasingan!” pag-alala ng aming source.

Ang nakababata namang kapatid ng female personality ay umiinom din, pero mas may control ang nakababatang aktres, kaya lang ay may mga okasyong hindi maiiwasan ang todong pag-inom.

“Heto na nga. Nu’ng minsang may trabaho si ____(pangalan ng nakababatang sister ng dating tomador na babaeng personalidad), e, halos hindi na siya makalakad nu’ng dumating siya sa studio.

“Wala siyang naging choice kundi ang mahiga sa sofa dahil langung-lango siya. Nu’ng magpunta siya sa CR, e, inaalalayan pa siya ng PA niya, kasi nga, hindi niya kayang mag-isang magbanyo!

“Natural, na-delay ang taping, hindi kasi mapapakinabangan ang young actress, kundi niya kayang maglakad nang mag-isa, e, much more na hindi niya kayang mag-host!

“Ayun, pinauwi na lang siya ng production, kumuha na lang ng pamalit sa kanya, dahil talagang umiikot pa ang paningin ng girl sa sobrang pag-inom nu’ng nakaraang gabi.

“Pero ngayon, e, hindi na sila gaya nang dati, may disiplina na sila sa pagtoma ngayon, ayaw na nilang makipag-inuman nang magdamagan dahil sila rin naman ang nahihirapan.

“Ang gaganda nila, super-ganda, pero mga laklakera ang magsupatembang na ito!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Vice hindi masyadong nakakuha ng simpatya

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng pagpapakatotoo ni Vice Ganda tungkol sa nararamdaman niyang depresyon nang dahil sa pandemya. Inamin ng sikat na komedyante-TV host na sobra siyang nalulungkot ngayon, inaatake ng depresyon, ngayon lang daw niya naramdaman ang ganito.

May mga nakakaunawa sa kanya, pero mas marami ang bumato sa kanya at nagbalik sa nakaraan, hinusgahan ang nalulungkot na komed-yante.

Binalikan ng marami ang kanyang nakaraan bilang stand-up comedian. Marami siyang kasamahan na ni hindi man lang niya nakukumusta, kaya ipinalagay ng mga ito na tumabang na siya, pinagbago na siya ng kasikatan.

Meron ding mga hindi nagkakagusto sa kanyang tatak ng pagkokomedya, isinumbat kay Vice ang lantarang pamamahiya na ginagawa niya sa mga kalahok sa It’s Showtime, wala raw siyang respeto.

Komento ng isang source, “Ang tawag namin sa kanya, e, hindi Vice Ganda kundi hindi magandang bisyo dahil may mga panahong nambabastos na siya.

“Sumosobra na ang katabilan niya sa ere, ginagawa niyang comedy bar ang show, hindi man lang niya maisip na napapahiya ang taong nililibak niya,” sabi nito.

Walang forever, sabi naman ng iba, pana-panahon lang ‘yan. Wala siyang pelikula ngayon, napapanood man siya ay wala naman sa free TV ang kanilang programa, kaya siguro siya inaatake ng depresyon.

Komento ng isang source, “Pero masuwerte pa rin si Vice dahil mapera siya. Malaki ang naipon niya, meron siyang pambayad sa doktor kung magpapa-check-up siya sa depression na napi-feel niya ngayon.

“Meron siyang gagastusin, samantalang ang dami-daming nade-depress ngayon na hindi makapunta sa doktor dahil wala silang pera,” komento ng impormante.

Sinabi rin ni Vice sa kanyang post na hindi niya na alam kung sinu-sino ang mga tunay niyang kaibigan ngayon. Du’n siya mas hinusgahan.

“Kundi niya kinalimutan ang mga kaibigan at kasamahan niya nu’n, e, di sana, hindi niya mararamdaman ang ganyan ngayon? Nakalimot kasi siya sa mga taong totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya,” sabi ng isang source na nakatrabaho niya dati sa comedy bar.

AKTRES VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with