_ngayon
^

PSN Showbiz

Erik, matindi ang naramdamang anxiety

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Erik, matindi ang naramdamang anxiety
Erik
STAR/ File

Mahigit anim na buwan na ang nakalilipas mula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Para kay Erik Santos ay talagang isang malaking hamon ang kanyang naranasan dahil sa krisis na kinakaharap.

“Kasi hindi ba kapag nasa industriya tayo, itong showbiz industry, kahit nagwo-work ka parang ‘di ka nagwo-work kasi masaya. Kahit anong pagod mo, kahit anong hirap ipinapagawa sa iyo, nae-enjoy mo siya kasi ang saya lang, tapos biglang mawawala sa iyo. Nararamdaman ko ‘yung anxiety, ‘yung worries, may fears akong nararamdaman. Ang daming negative thoughts and emotions akong na-experience talaga. Until now, minsan may mga pagkakataon naiisip ko kailan ba talaga matatapos ito. Nami-miss ko na ang mga kaibigan ko. Nami-miss ko na ang kumanta with live audience, ang dami kong nami-miss,” pagbabahagi ni Erik.

Kahit maraming negatibong nararamdaman ay masaya naman ang singer dahil nagkaroon ng oras na mas makilala ang mga mahal sa buhay ngayong panahon ng pandemya. “Ang nanay ko pala ay talagang masiyahin siya. Sa kanya ko nakukuha ang positivity, kung paano tayo tumingin sa buhay. Kasi minsan ikaw ang mag-aalala sa parents mo kasi matanda na sila. Gusto mo mag-enjoy na lang sila. Pero sila ‘yung nagbibigay ng positive vibe na matatapos din ito, dapat lagi lang tayong masaya, gano’n ‘yung nanay ko,” paglalahad niya.

Malaki ang pasasalamat ni Erik sa pamunuan ng ABS-CBN dahil kahit nagsara na ang Kapamilya network ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang ginagawang mga proyekto. Regular na napapanood ang singer sa ASAP Natin ‘To at bilang Hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. “Sobra akong grateful sa ABS-CBN. Kasi amidst the closure of the network ay nabibigyan pa rin nila kami ng pagkakataon na makapag-work at makapagbigay ng aliw sa kahit anong paraan naming magagawa sa ating mga kababayan na nanonood pa rin sa atin,” pagtatapos ng singer.

Santino, ayaw maging extension ni Echo

Magdadalawampung taong gulang pa lamang sa Disyembre ang anak ni Jericho Rosales na si Santino. Sa murang edad ay katuwang na ang binata ng inang si Kai Palomares sa negosyo nilang restaurant. Nagkaroon ng mga pagbabago sa pamamalakad ng Kaisaint restaurant na matatagpuan sa Parañaque dahil sa pandemya. “We were forced to adapt to the situation and were blessed enough that the government allowed us to operate. We then shifted to pushing for takeout and delive­ries which we still do now. Now we are able to take dine-in as well, but by reservation,” pahayag ni Santino.

Kamakailan ay pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency si Santino. Walang balak na sundan ng binata ang mga yapak ni Jericho bilang isang magaling na aktor. Ang pagiging fashion model ang gustong pagbutihin ni Santino. “It’s really just about showing people that I am my own person. I have my own things that I am very passionate about. My career path will also develop very differently from his as I would like to focus on building businesses and modeling. I aim to show people that I am not an extension of someone else,” giit ng binata. (Reports from JCC)

ERIK SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with