^

PSN Showbiz

Alden, ang laki ng improvement sa galaw!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, ang laki ng improvement sa galaw!
Lolit at Alden
STAR/ File

Hindi binigo nina Alden Ri­chards at Jasmine Curtis-Smith ang mga nanood ng Love in the Balcony ng GMA 7. Talagang tumutok sila at sabik na sabik mapanood si Alden na kitang-kita mo na excited din sa pag-arte dahil matagal ding hindi nakagawa ng drama.

‘Katuwa naman na ang ganda rin ng chemistry nilang dalawa ni Jasmine, at very now ang istorya, dahil may pandemic touch na tungkol sa frontliners.

Talagang ang laki ng improvement ng galaw ni Alden, makikita mo na ‘yung maturity ng acting na nahasa sa rami na rin ng mga naging expe­rience at nagawa niyang trabaho. Very expressive ang mga mata niya at talagang dama mo ang ibig niyang iparating sa dialogue na binibitiwan.

Totoo nga na sa takbo ng mga ginagawa ni Alden, magtatagal pa siya sa limelight. Siya na nga ang nag-iisang matatag na actor at present, at kaya na niyang masabi na siya ang pinaka-busy ngayon, dahil tuluy-tuloy ang trabaho niya.

Bongga talaga sa blessings si Alden Richards, parang sinalo niya lahat ang hulog ng langit ngayong pandemic.

Dating hobby, naging negosyo na

Naku, Salve ha, dahil ang ganda ng posting mo sa pagkaing padala ni Jun Lalin galing kay MommyAgs food, talagang hiniling ko kay Jun na matikman ko rin ‘yung specialty ng MommyAgs Kitchen.

Bonggang buong maghapon ko siyang hinintay dahil nga talagang pag sinabi ni Jun na masarap, usually totoo dahil alam mo na, jetsetter at travel savvy si Jun kaya ang taste sa food pang international.

Si Mommy Ags pala ay isang Asian rich friend ni Jun na hobby lang ang pagluluto, kaya siguro ‘yung Mommy Ags niya depende lang sa mood niya ‘pag gusto niyang gumawa. Kaya ang nangyari, wait muna ako bago ko matikman ang ipinagmamalaking Mommy Ags angus tapa.

Kasal nina Doc Hayden at Dra. Vicki, ‘di  talaga malilimutan

Naalala ko bigla, Salve, nang makita nating magkakasama sa iisang lugar ang halos lahat ng sikat na actor natin. Richard Gomez, Derek Ramsay, Piolo Pascual, Alden Richards at Dingdong Dantes sa kasal nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa Paris.

Imagine, parang isang reunion iyon ng mga hunky handsome men na talagang nagkasama-sama sa isang okasyon. At lahat sila naka-tuxedo ha, kaya naman aligaga ang buong social circle sa Paris dahil starry night talaga ang okasyon.

Iyon ang totoong rich Asians affair, doon mo nakitang mag-mingle at rubbing elbows ang lahat ng nasa society pages ng mga broadsheet, talagang dressed to the nines ang mga dumalo, at doon mo nakita lahat ng sizes ng diamonds at emeralds na suot ng mga babae.

Parang kailan lang iyon, Salve, kaya bigla kong naalala, unforgettable talaga. Ngayon, after that glitzy affair, heto ang pandemic, hindi ba ang sarap na both side nakita at na-experience natin ang beautiful and ugly side of life?

vuukle comment

GMA 7

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with