Trending agad... Kim, pinakabagong host ng Itâs Showtime
Kim Chiu
Trending agad... Kim, pinakabagong host ng It’s Showtime
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makakasama na sa kulitan at saya tuwing tanghali si Kim Chiu matapos siyang opisyal na ipakilala bilang  pinakabagong host ng  It’s Showtime kahapon.

Emosyonal na nagpasalamat ang tinaguriang Chinita Princess para sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Showtime family lalo na’t ilang beses na rin siyang naging guest host nito. “Thank you na pinayagan n’yo ako na tumuntong dito and makasama kayo. Masaya ako na araw-araw tayong tatawa kasama ang madlang people. Maraming salamat. Kapamilya Forever tayo,” aniya.

Maraming fans naman ang natuwa sa balita at sinalubong si Kim sa social media dahil ito ang naging numero unong trending topic sa Twitter Philippines ang hashtag na #ShowtimeCHINITAnghali.

Isang opening song and dance number ang inihanda ni Kim para sa madlang people at ini­lunsad din ang bagong segment na Name It To Win It kasama ang hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Ryan Bang, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

 

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with