Ms. U Ph candidate nag-positive, nag-apologize sa mga nakasalamuha
Maria Isabela Galeria
Ms. U Ph candidate nag-positive, nag-apologize sa mga nakasalamuha
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-positive sa coronavirus ang isa sa mga kandidata sa Miss Universe-Philippines, ang Bicolanang si Maria Isabela Galeria.

Mismong si Maria Isabela from Sorsogon ang nagbigay ng statement tungkol dito : “ Hello everyone,
With so much sadness in my heart, I regret to inform you that I tested positive for COVID-19 rtPCR. This news breaks my heart deeply and I apologize if ever I put you at risk.
We followed and did all the safety precautions to safeguard from the infection, however it still found us.
I have spoken with those that I saw recently. My team, my MUP sisters and those I had close contact with in Manila all tested Negative.
I am in isolation and quarantined now.
I ask whoever came into close contact with me to please inform your City/Municipal Health Officers and their team to check on your condition. Hoping that I did not pass on to you the virus.
I am truly, deeply sorry.
Kindly find it in your hearts to include me and my family in your prayers.”

Kahit talaga sabihing medyo nababawasan na ang mga nahahawa ng nakakamatay na virus, importante pa ring maging maingat.

Wala na sa Sorsogon si Heart Evangelista na laging sumusuporta sa candidate ng Sorsogon kung saan governor si Chiz Escudero.

Production house ni Daniel co-prod sa kanyang digital concert

Ikakasal na ba talaga sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo?

Parang I doubt naman. Baka para sa lang teleserye nilang sini-shoot ngayon ang mga nasabing post na hint daw na ikakasal na sila.

Kasalukuyang naka-lock-in taping ang KathNiel  para sa bagong teleserye niya for Kapamilya Channel.

Anyway, aside the said teleserye, naghahanda rin si Daniel sa kanyang kauna-unahang virtual concert na pinamagatang Apollo: A ­Daniel Padilla Digital Expe­rience.

Mula sa produksyon ng Star Events ng ABS-CBN at ng production house ni Daniel na Johnny Moonlight, eksklusi­bong mapapanood ang Apollo sa KTX.ph sa dara­ting na Oktubre 11 (Linggo). 

Magbabalik-tanaw si Daniel sa kanyang matagumpay na journey bilang singer at perfor­mer sa Apollo sa pamamagitan ng pag-awit sa mga pinasikat niyang kanta, paboritong classics, at iba pa habang inaalala ang una niyang  Daniel: Live! concert noong 2013 hanggang sa matagumpay na D4 concert noong 2018.  

Sasamahan ang Mabagal singer ng Jose Carlito band na pangungunahan ng front man nito at kanyang kapatid na si JC Padilla.

Ang nasabing concert ay bahagi ng bagong digital offerings ng ABS-CBN. Ito ay kasunod ng successful launch ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook para maabot ang mas maraming Pilipino habang wala sila sa free TV.

Bisitahin ang ktx.ph para sa tickets ng inaabangang Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience. Sa halagang P499 lamang, maaari nang mapanood ang maagang pamaskong handog ng aktor. 

MISS UNIVERSE-PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with