Billy, mala-Nick Cannon sa local version ng Masked Singer
Billy Crawford
Billy, mala-Nick Cannon sa local version ng Masked Singer
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-release na ang TV5 ng teaser sa social media para sa Masked Singer Pilipinas na ang magiging host ay si Billy Crawford. Mag-uumpisa ito sa October 24, 7:00 p.m.

Patok sa US sa kasalukuyan ang American reality singing competition na nag-umpisa lang last year. Naka-costume lahat ng contestants as in hindi mo makikilala sa kanilang mga suot.

Si Nick Cannon ang host nito sa Amerika at panelists naman sina Ken Jeong, Jenny McCarthy, Nicole Scherzinger and Robin Thick.

Ang hirap ng clues sa The Masked Singer pag napapanood namin sa cable channel.

Pero marami itong followers na nakikihula kung sino ang mga naka-outfit na kumakanta.

Magiging panelist diumano sa local version nito sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli and Kim Molina.

Ang Viva TV ang producer nito for TV5.

 

 

BILLY CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with