Liza, nagsalita sa plano sa pulitika
Liza Soberano
Liza, nagsalita sa plano sa pulitika
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

Hindi si Liza Soberano ang tipo na ibinabahagi ang lahat ng kanyang opinyon o nararamdaman sa social media tungkol sa mga nangyayari sa bansa. Minsan ay hindi na umano napigilan ng aktres na kimkimin ang kanyang nararamdaman kaya napapa-post din. “Napupuno na po ako. Before I wasn’t the type to talk about such issues pero I always have my fair share of opinion on them. I just didn’t feel comfortable sharing them because I knew people would always have something to say against my opinion and before I wasn’t comfortable with that. But now I think I’ve gained so much courage from seeing other people stand up for themselves that has inspired me to stand up for myself and for those people who cannot do so,” paliwanag ni Liza.

Hindi na kayang mapalampas ng dalaga ang mga salitang binibitawan ng mga tinaguriang ‘trolls’ ng lipunan lalo na’t nakakasakit na ang mga ito sa kapwa.

Noong isang linggo ay pormal nang nagsampa ng kaso si Liza sa National Bureau of Investigation laban sa isang netizen na nagkomento ng ‘Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. Sarap ipa-rape sa mga…ewan!’

Gustong magsilbing boses ni Liza para sa lahat ng mga nabibiktika ng cyberbullying. “Their aim is to silence me and if I give them that then they win. And we can’t let them win. We got to keep voicing out opinions especially if we know we are on the right side. And I have to be the voice for the voiceless. I have to spark courage to the people who support me and look up to me,” giit niya.

Marami ang nagtatanong sa aktres ngayon kung nagbabalak nga bang pasukin ang mundo ng pulitika. “No I don’t think so,” pagtatapos ng dalaga.

Arci at Paulo, hindi nakapag-love scene dahil sa protocols

Kagabi ay nagsimula na ang teleser­yeng Walang Hanggang Paalam na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Paulo Avelino. Kabilang din sa bagong proyekto si Arci Muñoz na gumaganap bilang isang secret agent. Ayon kay Arci ay ibang-iba ang kanyang ipapakita sa serye dahil sa pagkakaroon ng maaksyong tema nito. “First time ko gumawa ng action eh. So naninibago ako, nangangapa pero thankful ako na before kami ma-lockdown nakapag-training ako. Kaya I was just looking forward to doing an action series with Pau (Avelino). Kasi ang galing talaga ni Paulo mag-action,” nakangi­ting pahayag ni Arci. 

Mayroong espesyal na ugnayan ang mga karakter nina Paulo at Arci sa bagong action-drama series. Dahil sa ipinatutupad na TV production security and safety protocols ay hindi raw makagawa ng maseselang eksena ang dalawa. “We had one scene na parang dapat nga parang may love scene. We can’t do it eh kasi we are following strict protocols here. Magaling si direk Darnel (Villaflor). Hindi pwede ang kissing scene. We’re following protocols as much as possible talaga. We’re ­trying to avoid close contact,” kuwento ng aktres.(Reports from JCC)

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with